Pahirapan sa pagpili ng iboboto sa 2016 | Bandera

Pahirapan sa pagpili ng iboboto sa 2016

Ramon Tulfo - October 20, 2015 - 03:00 AM

DAHIL sa desisyon ni Davao City Mayor Rody Duterte na hindi tatakbo sa pagkapangulo, mga lightweights ang mga kandidato na pagpipi-lian ng mga botante.

Si dating Interior Secretary Mar Roxas ay isang weakling o mahina sa liderato.

Si Sen. Grace Poe ay walang karanasan sa pamamahala na gusto agad na tumuntong sa pinakamataas na puwesto.

Si Vice President Jojo Binay naman diumano’y masyadong corrupt.

Kawawa naman ang bayan kung sino sa kanila ang maging Pangulo.

Ang dalawa pang presidential candidates—sina Sen. Miriam Defensor-Santiago at dating Ambassador Roy Seneres—bagama’t mas may kakayahan kesa kina Roxas, Poe at Binay—ay hindi itinutu-ring na mga serious contenders.

Lalo na si Santiago, dahil siya’y nagamot sa sakit na cancer pero maaaring bumalik ang kanyang karamdaman.

Si Seneres, na may puso para sa mahihirap na mga manggagawa, ay limitado lang ang constituency—mga overseas Filipino workers o OFW.

Gusto ko sanang i-boycott ang 2016 presidential election dahil sa ayaw makumbinsi si Duterte na tumakbo, pero ayaw ko namang sayangin ang aking boto.

Kaya’t nahihirapan ako ngayon kung sino ang iboboto ko na ma-ging presidente sa dalawa pang kandidato: Si Arturo Pacheco Reyes ba o si Romeo John Reyes.

Si Arturo at Romeo ay hindi magkamag-anak kahit na pareho sila ng apelyido, at magkaiba rin ang kanilang mga plataporma.

Kung siya’y maging pangulo, gagawin ni Arturo Reyes na maging legal ang apat na seasons na winter, spring, summer at fall.

Dalawa lang ang seasons ng Pilipinas: wet at dry.

Tatabuyin daw ni Arturo Reyes sa bansa ang wet and dry seasons at papalitan ng winter, spring, summer at fall.

Sa kabilang dako, si Romeo Reyes, na kampon daw ni Lucifer (sabi niya), ay patatakbuhin niya ang bansa sa pamamagitan ng “divine” government.

O, sino sa mga pre-sidential candidates ang makakatalo sa mga pla-taporma ng dalawang Reyes?

Hehehe!
Joking aside…

Mabuti pa itong si Senen Sarmiento at matatag ang pagpapairal niya sa disiplina sa loob ng Philippine National Police (PNP).

Si Sarmiento ang pumalit kay Mar Roxas bilang secretary ng Department of Interior and Local Government na namamahala ng PNP.

Ipinag-utos ni Sarmiento, concurrent chairman ng National Police Commission (Napolcom), na madaliin ang mga resolution ng mga kasong administratibo laban sa mga pulis.

Walang ganoong kautusan na ginawa si Roxas noong siya’y DILG secretary at chairman ng Napolcom.

Naka-focus kasi si Roxas sa kanyang pakikipagbangayan kay PNP chief Alan Purisima kaya’t nakalimutan niyang sumali sa mga deliberasyon sa pagdismis ng mga pulis na tarantado.

Ang isang lider daw ay dapat hindi nakikipag-away sa kanyang subordinate o yung nakabababa sa kanya.

Dahil sa pakikipagbangayan niya kay Purisima, si Roxas ay hindi pinagkatiwalaan ni Pangulong Noy sa misyon na kunin ang Malaysian terrorist na may alyas na Marwan na ikinasawi ng 44 commando ng Special Action Force (SAF).

Kung may delikadesa si Roxas, nag-resign na sana siya bilang DILG secretary nang malaman niyang nilagpasan siya ni P-Noy at pinaboran si Purisima.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paano mo naman iboboto si Roxas bilang Pangulo samantalang di nga niya makontrol ang PNP bilang administrador nito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending