Derek maagang nakatanggap ng Christmas gift...muling nakasama ang anak sa Dubai | Bandera

Derek maagang nakatanggap ng Christmas gift…muling nakasama ang anak sa Dubai

Ervin Santiago - October 20, 2015 - 02:00 AM

derek ramsey

NATUPAD na rin sa wakas ang isa sa mga matagal nang ipinagdarasal ni Derek Ramsay – ang muli silang magkasama at makapag-bonding ng kanyang anak na si Austin Gabriel.

Ibinalita ni Derek sa kanyang Instagram account na pagkatapos nga ng halos 10 buwang pagkawalay sa anak, muling ipinagkatiwala ng kanyang nakahiwalay na asawa ang 12 year old na si Austin sa hunk actor to spend quality time together.

Nasa Dubai ngayon si Derek para sa isang mahabang bakasyon kaya talagang gumawa siya ng paraan para magkasama uli sila ng kanyang anak. Sa Dubai naka-base ang bata kasama ang ina nitong si Mary Christine Jolly.

Ayon sa Kapatid leading man parang napaaga ang Pasko sa buhay niya nang makita uli si Austin dahil matagal na talaga siyang nangu-ngulila sa kanyang anak.

“Words can’t define how happy I am right now. God is good. Finally, got to see my son again. Love you Austin,” ang mensaheng ipinost ni Derek sa kanyang IG account kalakip ang litrato nilang mag-ama.

Sa huling interview namin kay Derek inamin nito na matagal na silang walang komunikasyon ni Austin at wala siyang idea kung kailan sila uli magkakasama pero positibo siya na bibigyan uli siya ng chance ni Mary Christine para makabawi sa kanyang anak.

Sabi pa nga niya nang tanungin kung ipinagdadamot ba ng ina nito sa kanya ang anak, “Ayoko nang mag-isip ng ne-gative, basta keep on trying.”

Kung matatandaan noong October, 2014, pumirma ang dating magdyowa sa isang compromise agreement para na rin sa kapakanan ng kanilang anak.

Balitang malaking halaga rin daw ang ibinigay ni Derek kay Christine Jolly para sa sustento ni Austin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending