Sikat na bagets na aktor grabeng maningil ng TF; manang-mana sa kaartehan ng ina | Bandera

Sikat na bagets na aktor grabeng maningil ng TF; manang-mana sa kaartehan ng ina

Cristy Fermin - October 16, 2015 - 07:41 PM

MINSAN mong matikman ay hindi ka na uulit pa. Ganu’n ang pinagpistahang kuwento isang gabi sa umpukan ng mga show promoters. Ang tinutukoy ng mga ito ay ang sikat na bagets actor na matumal na ngayon sa mga provincial shows.
Marami raw kasing tsetseburetse ang kampo ng bagets actor. Kung anu-ano ang hinihingi, maraming kaartehan, napakataas pa ng ta-lent fee.
Kuwento ng isang source sa umpukan, “Nakakaloka ang kampo ni ____ (pangalan ng singer-actor na bagets), napakarami nilang hinihingi bago gawin ang show. Parang binibili mo na nga sa sobrang mahal ng TF ang bagets, meron pang mga kaechosang ganu’n?
“E, bago kitain ng producer ang ginastos sa show kubado na siya! Kailangang kumuha ng maraming sponsors dahil kung hindi, nganga ang produ! Kahit kalahati lang ng ginastos niya, e, siguradong wala siyang mababawi!
“Tight security, magandang hotel, hindi siya puwedeng puntahan ng mga fans kung saan siya naka-stay. Meron pang ibang kaechosan na para bang siya lang ang nag-iisang bagets na gustung-gustong kunin ng mga promoters!” naiinis na kuwento ng impormante.
Kaya kapag nadala na siya sa isang lugar ay hindi na umuulit ang mga show promoters. Ayaw na nilang matikman pa uli ang mga kaartehan ng kampo ng young actor.
“Iba na lang ang kinukuha nila na malakas din sa mga bagets. Mas magagaling pang kumanta dahil sanay na sanay na silang mag-show sa malakihang crowd.
“Wala pang mga kaartehan, walang kung anu-anong hinihingi, madali pa silang pakisamahan. Paulit-ulit nilang kinukuha ang mga bagets singers na ‘yun, pero itong isa na manang-mana sa kaartehan ng nanay niya, waley na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending