Tuloy ang lihim na relasyon, naisahan si Mommy Divine
SOMEONE reliable texted me the other day at sinabi niya sa amin na palihim pa ring nagkakausap sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson at meron daw mas malalim na balak ang dalawa in the near future.
In fact daw, meron daw ipinagagawang bahay si Gerald para kay Sarah sa Alabang at regular pa rin daw itong nagpapadala ng flowers and food through their common friend Fred Payawan sa Sarah G Live ng ABS-CBN na lingid sa kaalaman ni Mommy Divine.
For sure, pag nakarating ito sa ina ni Sarah, tiyak na hanggang langit ang gagawin nilang pagtanggi pero sigurado ang source nating patuloy pa rin ang lihim na relasyon ng dalawa.
Bakit kami naniniwala sa aming source?
Kasi nga, pati expiration ng contracts nina Gerald and Sarah ay specified nito at meron daw magaganap na malaking balita pag-expire ng contracts nila.
Sa pagkakaintindi ko, by December ay mag-e-expire na ang contract ni Gerald sa Star Magic and Sarah’s naman ends early next year. Nabura ko kasi ang message ng source ko sa celfone ko kaya nakalimutan ko ang eksaktong mga detalye.
For sure ay magri-renew naman ang mga ito ng kanilang respective contracts with their management companies pero I don’t know lang kung may kinalaman ang susunod nilang pipirmahang contracts as far as their lovelife is concerned.
You mean, naisahan ng dalawa ang mahigpit na pagbabantay ni Mommy Divine?
Ibig sabihin, naligtasan nila ang mala-Doberman na pagguwardiya ni Mommy Divine?
“Ayaw na lang ni Sarah ng gulo.
Walang mararamdamang traces si Mommy Divine sa tagong relasyon nila ni Gerald.
Masunuring bata lang si Sarah kaya ang nakikita lang natin ay ang pagsunod niya sa lahat ng kagustuhan ng nanay niya pero siyempre, marami namang paraan para maipagpatuloy nila ang kanilang friendship ni Gerald, ‘no! Ha-hahaha!” says our source.
Well, let’s see kung hanggang saan hahantong ang lihim ng Guadalupe. Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.