JRU Heavy Bombers, Mapua Cardinals magpupuwestuhan sa Final Four | Bandera

JRU Heavy Bombers, Mapua Cardinals magpupuwestuhan sa Final Four

Mike Lee - October 16, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
2 p.m. La Salle Greenhills vs Arellano
(step-adder semifinals juniors)
4 p.m. JRU vs Mapua (playoff seniors)

PAGLALABANAN ng host Mapua Cardinals at Jose Rizal University Heavy Bombers ang ikatlong puwesto sa 91st NCAA men’s basketball tournament sa kanilang playoff game ngayon na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang labanan ay magsisimula dakong alas-4 ng hapon at ang mananalo ang siyang makakalaban ng pumangalawang Letran at ang matatalo ang makakaharap ang five-time defending champion San Beda.

Bago ito ay sasalang ang La Salle-Greenhills at Arellano University sa knockout game sa juniors division sa ganap na alas-2 ng hapon.

Simula na ito ng step-ladder semifinals at ang magwawagi ay makakalaban ng second seed Mapua.

Step-ladder ang format sa juniors dahil winalis ng six-time defending champion San Beda ang 18-game elimination round.

Inaasahang matinding sagupaan ang mangyayari sa pagitan ng Mapua at JRU dahil parehong mainit ang ginawang pagtatapos ng dalawang koponan sa elimination round.

May three-game winning streak ang Cardinals at ang huling tinalo nila ay ang pumangalawa noong nakaraang taon na Chiefs, 93-75, para patalsikin ito sa labanan para sa Final Four slot.

Si Josan Nimes, na may 21 puntos sa huling laro, ay makikipagsanib-puwersa pa kay Allwell Oraeme, na may 28 rebounds, para magkaroon ng momentum ang Mapua papasok sa mabigat na Final Four.

Hindi naman padadaig ang mga bataan ni JRU coach Vergel Meneses sa pamumuno ni Bernabe Teodoro upang mapalawig sa pitong sunod ang pagpapanalo sa liga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending