Deadma kay mister | Bandera

Deadma kay mister

Pher Mendoza - October 16, 2015 - 03:00 AM

HELLO, Manang.

Magandang araw po. Ako po si Ailyn ng Iloilo.

May problema po ako sa asawa ko, madalas ho siyang lumalabas. Tambay, barkada, inom diyan ho siya magaling. Wala na ho siyang oras sa akin. Pag kagaling niya ho sa trabaho lalabas po siya agad kahit hindi pa ho siya bihis at kumakain. Ang gusto ko lang po bigyan niya ako ng oras at pansin. Simula po na nagsama kami hindi ko maramdaman na pinahahalagahan niya ako. Mas may oras pa siya sa ibang bagay kaysa sa akin. Three years na po kaming nagsasama. Ano po kaya ang maipapayo ninyo sa akin.
Ailyn

Hello sa’yo housewife from Iloilo.

My funny advice would be lumabas ka rin at iparamdam mo sa kanya na you’re not waiting.

Mapapansin na lamang n’yang wala ka at baka sakaling kausapin ka n’ya. My serious advice would be to talk to him. Paglutuan at pagsilbihan mo s’ya para magkainterest s’ya na kasama ka.

Kamustahin at maging sweet. Ipakita mong interesado ka sa trabaho at mga nangyayari sa buhay n’ya.

Maging maasikaso sa halip na nag-aantay ka lang ng pansin. In short, magpapansin ka rin at bigyan mo s’ya ng oras. Magpaganda at magpasexy, be happy and I’m sure you’re optimism will be something he can’t resist!

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending