Kris napapayag na ng mga bossing ng ABS-CBN na sumali sa 2015 MMFF | Bandera

Kris napapayag na ng mga bossing ng ABS-CBN na sumali sa 2015 MMFF

Alex Brosas - October 16, 2015 - 03:00 AM

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

AMIDST all the drama and controversy ay tuloy uli na ang Metro Manila Film Festival movie ni Kris Aquino.

In her official Facebook account, Kris captioned her Instagram photo this way: “Just finished a brilliant presentation from @krizgazmen! Happy Birthday to our beloved Ate @leacalmerin! Thank You God for putting everything into place w/ a positive, #LoveLoveLove cast!?

WhatsMeantToBeWillAlwaysFindAWay #NoNegativity #BeautifulCast #AllYouNeedIsPagibig.”

“Thank you STAR CINEMA for peace, harmony, & lovelovelove. Isa kayong tunay na KAPAMILYA! #TeamKrisAquino,” dagdag pa ng nag-post sa official FB account ni Kris.

It would be interesting to know kung kasama pa rin si Mayor Herbert Bautista sa 2015 MMFF entry ni Kris. Mayroon kayang malaking pagbabago sa cast?

Anyway, marami pa rin naman talaga ang umaasang matutuloy ang movie sa kabila ng pinagdaanan ni Kris who obviously still had feelings for Mayor Herbert.

With this development, natuloy na rin ang pag-uusap ni Kris and Star Cinema executives at naging maganda ang result ng kanilang pag-uusap. Natatawa na lang kami sa bashers ni Kris who said na kaya nag-backout ang Queen of All Media ay dahil kay Ai Ai delas Alas.

Natatakot daw si Kris na pataubin siya ni Ai Ai dahil meron din itong entry sa Metro Manila Film Festival. We felt na maling-mali ang observation na ito. For one, si Kris ang bida sa movie niya, si Ai Ai ay malamang dekorasyon lang. May matinding track record na si Kris sa MMFF, lahat ng movies niya ay kumita, walang sumemplang.

Hindi naman si Ai Ai ang magdadala na MMFF movie nila ni Vic Sotto. Malamang nga ay sina Alden Richards at ang Yaya ang magdala ng movie dahil sikat sila ngayon, no! Kaya sa nag-iilusyon diyan na kakabu-gin ni Ai Ai si Kris, magwala man kayo ay hindi mangyayari ‘yan dahil papunta na siya sa pagkalaos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending