Pastillas Girl: Wala akong anak, hindi ako nagpalaglag! | Bandera

Pastillas Girl: Wala akong anak, hindi ako nagpalaglag!

Ervin Santiago - October 16, 2015 - 03:00 AM

ANGELICA YAP AND MOM

ANGELICA YAP AND MOM

Mariing pinabulaanan ni Angelica Yap alyas Pastillas Girl na nabuntis siya noon at nagpalaglag.

Sa episode ng It’s Showtime nu’ng Miyerkules, isa-isang ibinato ni Vice Ganda kay Ange-lica ang mga tanong ng netizens para sa kanya.

Idinenay ni Pastillas Girl na nagkaroon na siya ng anak sa pagkadalaga, “May mga pagkakamali ako sa past Ate Vice, du’n sa mga pagkakamali na ‘yun may matututunan ka and you never judge a person dahil nagkamali ka kasi wala namang perpektong tao.

“Nagkamali ka bumangon ka sa tingin ko may dahilan ‘yung lahat kung bakit nangyayari yung mga nangyari. And sa tingin ko yung mga experiences ko na masasakit before, ‘yun yung naging sandata ko ngayon para maging strong as a person. Wala po akong anak Ate Vice,” pahayag ng dalaga.

Dito na nga tinanong ni Vice kung totoong nagpa-abort siya noon. Kung matatandaan, isa ito sa mga isyung pinag-uusapan sa social media mula nang sumikat si Pastillas Girl. Ayon sa dalaga, “Hindi po ako nagpalaglag ever sa buong buhay ko. Catholic po ako if ever na magkakaroon ako ng isang blessing aalagaan ko siya mamahalin ko siya.”

Nang matanong kung sa tingin ba niya ay bad influence siya sa mga kabataan, “Sa tingin ko po Ate Vice matalino na po yung manonood natin at alam nila yung mga dapat tularan po sa hindi. Sabi ko nga po kanina hindi po ako perpektong tao at hindi rin po porket nakikita po nila ako sa telebi-syon, lahat din po ng ginagawa natin sa telebisyon ay dapat pong gayahin.

“Kaya nga po meron po tayong patnubay ng magulang kung ano po ‘yung napapanood ng mga anak natin siguro nandiyan po sila dapat para i-guide kung ano yung mga tama ba na gawin ng mga bata sa hindi,” aniya pa.

Nanawagan din siya sa mga kabataan na huwag nang gayahin kung ano ang ginawa niya sa kanyang viral video.

Kung matatandaan, sumikat si Pastillas Girl sa It’s Showtime matapos maging viral ang kanyang video sa YouTube habang gumagawa siya ng pastillas at nagkukuwento tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend na la-ter on ay umapir din sa noontime show ng ABS-CBN.

Sa ngayon tuloy pa rin ang paghahanap ni Pastillas Girl sa kanyang Mr. Pastillas sa isang segment ng Showtime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending