Cesar mas piniling gumawa ng movie sa Hollywood kesa tumakbo sa 2016 | Bandera

Cesar mas piniling gumawa ng movie sa Hollywood kesa tumakbo sa 2016

Ervin Santiago - October 16, 2015 - 03:00 AM

MARIA OZAWA AT CESAR MONTANO

MARIA OZAWA AT CESAR MONTANO

IPINAGDIINAN ni Cesar Montano na single siya ngayon at hindi totoong may kinakasamang beauty queen sa isang lugar sa Amerika.

Sa presscon ng 2015 Metro Manila Film Festival Entry nila ng Japanese porn star na si Maria Ozawa na “Nilalang”, sinabi ni Buboy na wala siyang seryosong relasyon ngayon dahil naging busy siya sa shooting ng kanilang pelikula bukod pa sa iba pang trabaho.

Dahil dito, tinuksu-tukso ng press sina Cesar at Maria kung posibleng magkagustuhan sila matapos nilang gawin ang “Nilalang”, tutal naman ay pareho silang single ngayon.

Natawa lang si Buboy at sinabing magulo pa ang sitwasyon ngayon dahil nga sa mga kasong kinakaharap niya at ng kanyang estranged wife na si Sunshine Cruz.

Samantala, i-namin ni Cesar na marami ring kumumbinse sa kanya na tumakbo sa 2016 elections pero aniya, iwas muna siya sa politika ngayon dahil mas marami pa siyang ibang priorities ngayon. Magpo-focus daw muna siya sa kanyang trabaho, dahil napakara-ming opportunities na dumarating sa kanyang career.

Bukod sa kanyang 2015 MMFF entry, inaayos na rin daw ang Hollywood movie na gagawin niya early next year. Same producer ito ng unang Hollywood film niyang “The Great Raid” noong 2005.

“Meron akong isang Hollywood movie. Same produ-cer, si Marty Katz, yung sa The Great Raid, so he offered me another job…sa US ang shooting,” sey ni Cesar.

Sigurado namang nag-enjoy si Cesar sa mga love scene at halikan nila ni Maria Ozawa sa “Nilalang”. Kuwento nga ng direktor nilang si Pedring Lopez, nakailang take rin ang mahabang kissing scene ng dalawa bago nila ito na-perfect.

“Wala namang problema sa kanila ‘yung mga ganu’ng eksena, they are really willing to do it. May isang kissing scene sila na nakalimutan ni Cesar yung dialogue niya. Kaya tawa kami nang tawa. Siya na ang sumigaw ng cut dahil nga nawala siya sa eksenang ‘yun!” kuwento ni direk.

Napanood namin ang two-minute trailer ng “Nilalang” at talagang bumilib kami sa mga shots ni direk Pedring at ng kanyang cinematographer. Aakalain mong Hollywood movie ito dahil sa bonggang actions stunts at special effects.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi pa raw nae-edit ang nasabing trailer kaya meron pa itong breast exposure at super violent scenes. Sabi ni direk Pedring ito raw ang gagamitin nilang trailer sa kanilang mga social media accounts. Kaila-ngan daw kasing pang-GP at pang-PG-13 ang i-submit nilang trailer sa MTRCB.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending