Lola Nidora may bagong regalo kina Alden at Maine | Bandera

Lola Nidora may bagong regalo kina Alden at Maine

Ervin Santiago - October 16, 2015 - 03:00 AM

WALLY BAYOLA BILANG  LOLA NIDORA

WALLY BAYOLA BILANG LOLA NIDORA

ABSENT si Yaya Dub kahapon sa kalyeserye ng Eat Bulaga, tanging si Alden Richards at sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo) lamang ang napanood ng milyun-milyong dabarakds.

Sa kuwento, itinago muna si Yaya Dub o Maine Mendoza sa isang kamag-anak nilang nag-ngangalang Tsa Bebeng para hindi ito makuha ng kanyang tunay na inang si Isadora.

Isang van ang dumating sa kinaroroonan ng dalawang lola. Inakala nilang si Isadora na ito kaya pinaghanda nila ang mga Rogelio. Pero nasorpresa ang lahat nang si Alden ang bumaba mula sa sasakyan na may dalang bouquet of flowers. Ibinigay niya ito sa mga lola at ang isa naman ay para kay Yaya Dub kahit na absent ito.

Nadulas pa nga ang binata at ang nasambit nyang pangalan ay Maine sa halip na Yaya Dub na pinansin naman ng mga Dabarkads sa studio. “Ikaw ha, ino-on air mo na ang closeness niyo, ha!” kantiyaw ni Tinidora.

May baon namang mga pagkain si Alden tulad ng fishball at isaw para sa dalawang lola at sabay-sabay silang kumain. Binati niya si Yaya Dub ng happy weeksary.

Habang kumakain naman ay binigyan ng mga lola si Alden ng tips kung sakali raw maka-date niyang muli si Yaya Dub.

Pinag-dubsmash din ang Pambansang Bae at tuwang-tuwa ang lahat dahil kuhang-kuha na niya ang facial expressions ni Maine, pati ang nakakalokang mga pagngiwi nito bilang pabebe girl.

Samantala, muling hinamon ni Lola Nidora si Alden ng jak en poy. Kung manalo raw ang binata ay may regalo ito sa kanya pero kung matalo ay may ire-request siya. Sa dulo ay si Alden ang nanalo. Pero hindi sinabi ni Lola kung ano ang regalong ibibigay kay Alden, hintayin na lang daw muna si Yaya Dub para sabay nilang marinig.

Sa pagtatapos, biglang nag-ring ang cellphone ni Lola Nidora. Si Yaya Dub pala ang tumawag. Ipinakausap nila ito kay Alden pero bago makapagsalita ang binata ay tinapos na ang nasabing episode ng kalyeserye.

Samantala, nabwisit naman si Sen. Tito Sotto sa mga pabitin ni Lola Nidora. Habang naka-freeze naman ang lahat napansin ni Allan K na gumagalaw ang bibig ni Alden at sinabihan na wag raw niyang kausapin si Maine dahil naka-freeze na sila. Habang nagsasayawan naman ang lahat ay biglang gumilid si Alden at sandali pang kinausap si Maine bago tuluyang ibinaba ang cellphone.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending