Sara Duterte nagpakalbo bilang suporta sa mga panawagan para tumakbong pangulo ang kanyang tatay | Bandera

Sara Duterte nagpakalbo bilang suporta sa mga panawagan para tumakbong pangulo ang kanyang tatay

- October 14, 2015 - 02:42 PM

Sara-Duterte1
NAGPAKALBO si dating Davao City mayor Sara Duterte-Carpio bilang suporta sa mga panawagan para tumakbo ang kanyang tatay na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagkapangulo sa 2016 elections.

“I decided to shave my hair while
waiting,” sabi ni Sara sa kanyang post sa kanyang Facebook account kung saan inilagay pa niya ang litrato niya matapos magkapalbo.

Ito’y sa harap naman ng paghihintay ng mga tagasuporta kung maghahain si Duterte ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagkapangulo.

Hanggang Biyernes na lamang ang paghahain ng COC.

Nauna nang inihayag ni Duterte na pinal na hindi siya tatakbo sa 2016.

“Even without money,
even without machinery, even if we lose,” dagdag ni Duterte wrote, na nag-hashtag pa na “Duterte 2016” at “KalboparasaPagbabago.”

Sa isa pang post, kung saan makikita ang likod ng kanyang kalbong ulo, inilagay ni Sara ang, “Sending good vibes to Digong,” na siyang tawag ng marami sa kanyang tatay.

Hindi naman malaman kung ang kanyang aksyon ay bilang suporta sa kanyang tatay o bilang pagtutol.

Nauna nang nagpahayag si Sara ng kanyang pagtutol sa pagtakbo ni Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending