Junjun Binay posibleng hindi makasama sa listahan ng mga kakandidato sa 2016 | Bandera

Junjun Binay posibleng hindi makasama sa listahan ng mga kakandidato sa 2016

John Roson - October 12, 2015 - 06:09 PM

JUNJUN BINAY INQUIRER

JUNJUN BINAY INQUIRER


Maaaring di isama sa listahan ng mga kandidato para sa 2016 elections si suspended Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay matapos i-dismiss ng Ombudsman bilang alkalde, ayon sa Commission on Elections.

“Ang decision ng Ombudsman ay executory, unless makakuha sila (Binay camp) ng court order,” sabi ni COMELEC Chairman Andres Bautista sa isang pulong-balitaan kahapon.

“That is a possibility,” sabi pa ni Bautista nang tanungin kung maaaring alisin si Binay sa listahan ng mga kandidato kung di makakakuha ang huli ng temporary restraining order.

Gayunpaman, sinabi ni Bautista na bagamat napabalita na ang dismissal ni Binay ay di pa nakakatanggap ang COMELEC ng kopya ng pasya ng Ombudsman.

Una nang nagpahayag si Binay ng balak na muling tumakbo sa pagka-alkalde, sa kabila ng utos ng Ombudsman.

“We leave it to COMELEC-Makati,” sabi ni Bautista nang tanungin kung tatanggapin ng ahensiya ang certificate of candidacy (CoC) ni Binay.

‘Tanggap lang nang tanggap’

Bago dito, inutos ni Bautista sa mga sangay ng COMELEC na “tanggapin lang nang tanggapin” ang CoC ng sinumang nais kumandidato sa parating na halalan, kahit pa ito’y may nakabinbing kaso.

“First we have to honor the presumption of innocence… Kung wala pang final order, we have to honor that,” ani Andres.

Balak naman ng COMELEC na magpulong matapos ang CoC filing para alamin kung sino ang mga ituturing na “nuisance candidate.”

Target ng ahensiya na matapos ang pagkilala sa “nuisance candidates” sa Disyembre 10 dahil matapos iyo’y kailangan naman nitong ma-finalize ang balota, ani Andres.

Plano rin ng COMELEC na magpulong para linawin ang mga “prohibited acts” bago magsimula ang election period sa Enero 1 at ang mga ipinagbabawal na gawain sa campaign period.

’19 Presidente’

Habang isinusulat ang istoryang ito kahapon, 19 katao na ang nagsumite ng CoC para tumakbo sa pagka-presidente.

Kabilang sa 19 sina Vice President Jejomar Binay, dating Presidential Commission on Good Government Chairman Camilo Sabio, at dating Technical Education and Skills Development Authority director-general Augusto Syjuco.

“Sa napakahabang panahon, sa ilalim ng napakaraming administrasyon, iisa ang laging nakakaligtaan: ang matugunan ang daing ng mahihirap. Walang saysay ang pag-unlad kung hindi kasalo ang nakararami. Ito ang dapat pagtuunan ng pamahalaan. Ito ang aking pagtutuunan kapag ako ay mahalal bilang pangulo ng bansa,” sabi ni Binay sa isang kalatas matapos ang maghain ng CoC.

Kabilang din sa mga nais maging pangulo si Atty. Elly Pamatong na ilang beses nang itinuring na “nuisance candidate” ng COMELEC dati, mga negosyante, isang welder, isang nagpakilalang sultan, ilang senior citizen, at isang babaeng nais dumami ang kaibigan.

Naghain naman ng CoC para tumakbo sa pagka-bise presidente ang kapartido ni Binay na si Sen. Gregorio “Gringo” Honasan at isang Myrna Mamon ng Muntinlupa.

Labintatlo naman ang naghain ng CoC para tumakbo sa pagka-senador, kabilang si dating Sen. Panfilo Lacson at Makabayan Party-list Rep. Neri Colmenares.

Piyesta na naman

Sa pagdating ng mga nais kumandidato kahapon ay nagmistula na namang piyesta sa Intramuros.

Alas-6 pa lang nga umaga ay nasa harap na ng Palacio del Gobernador, kung saan naroon ang COMELEC, ang mga taga-suporta nina Binay at Pamatong.

Dumating ang isang banda na tumugtog ng pinasikat na campaign jingle ni Binay, habang ang mga unipormado at tila sundalong tagasunod ni Pamatong ay naglabas ng mga tarpaulin tungkol sa kanyang balak na pagbawi sa mga islang inagaw ng China.

Kabilaan din ang pagpapatugtog ng loud speaker, habang may ilan pang naglatag ng mga mesang may pagkain.

Umagaw din ng atensyon ng marami ang pagdating ni Colmenares, na sinamahan ng artistang si Angel Locsin na kanyang pamangkin.

Dinumog di lang mga mamahayag, kundi pati mismong mga empleyado ng COMELEC, si Locsin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Di natin pipigilan ‘yung festive atmosphere, we just want everthing to be safe,” sabi ni Bautista nang tanungin kung walang problema ang COMELEC sa “piyesta.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending