Pacquiao tikom pa ang bibig kung sino ang susuportahan; lumipad patungong NY
TIKOM ang bibig ni pambansang kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao kung kanino siya makikipag-alyansa sa 2016.
Umalis si Pacquiao noong Linggo ng gabi papuntang New York para tanggapin ang Asia Game Changer for 2015.
“It (the award) means I am sort of a superhero. We all know that in reality I am not. I am but a man blessed by God who has answered His call to make a difference in people’s lives,” sabi ni Pacquiao.
Sa isang press conference noong Linggo ng gabi bago ang kanyang pagtulak papuntang New York, sinabi ni Pacquiao na isang malaking karangalan para sa kanya ang parangal.
“This is among the most important awards I have ever received in my life for my accomplishment as a champion and as a God-fearing man,” dagdag ni Pacquiao.
Kasabay nito, sinabi ni Pacquiao na desidido siyang tumakbo bilang senador.
“If I become a senator, I have to devote myself 100 percent as a public servant,” ayon pa kay Pacquiao.
Iginiit naman ni Pacquiao na hindi pa siya nakakapagdesisyon kung saang partido siya aanib.
Hindi rin niya tinukoy kung sinong susuportahan bilang pangulo sa 2016. Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.