Neri Colmenares naghain na ng kandidatura sa pagkasenador; Angel Locsin todo suporta
NAGHAIN si Bayan Muna Representative Neri Colmenares ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador sa Commission on Elections (Comelec) head office sa Intramuros, Maynila kasama aktres na si Angel Locsin. Tiyuhin ni Locsin si Colmenares, bagamat kinukunsidera ng pamilya ng aktres ang militanteng mambabatas bilang pinsan, “Tatakbo po ako bilang senador upang ang yaman ng Pilipinas ay mapakinabangan nating mga Pilipino. Tatakbo po ako para may fighter ng bayan tayo sa Senado,” sabi ni Colmenares. Sinabi ni Colmenares na kasama niya si Locsin para suportahan ang mga prinsipyong isinusulong ng Makabayan bloc. “Si Angel ay hindi lamang sumusuporta bilang kamag-anak kung hindi naniniwala din siya sa prinsipyo ng Makabayan,” dagdag ni Colmenares. Ito na ang ikatlong pagkakataon na tatakbo sa pagkasenador ang isang kinatawan mula sa Makabayan bloc matapos ang pagtakbo nina dating partylist representative Satur Ocampo, Liza Maza, na kapwa tumakbo noong 2010 at si Teddy Casino na tumakbo noong 2013, bagamat pawang hindi nanalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.