NAKAPAGPATAYO na ng ilang negosyo sa kanilang lalawigan ang isang mataas na opisyal ng pamahalaan dahil sa pagiging “padrino” ng ilang drug lord sa bansa.
Mga negosyong may kinalaman sa agrikultura ang ipinatayo ni Sir tulad ng rice mill, bukod pa sa malawak niyang mga bukirin sa kanilang lalawigan sa Northern Luzon.
Sinabi ng ating Cricket na interesado ang ilang mambabatas na imbestigahan ang mga taong nasa likod ng talamak na bentahan ng droga sa bansa kung saan kahit nakakulong na ang ilan sa kanila ay tuloy pa rin ang kanilang iligal na gawain.
Kundi ba naman talagang malakas ang kanyang padrino, alam n’yo bang 11 months na sa loob ng isang private hospital sa Maynila ang reyna ng illegal drugs sa bansa na si Yu Yuk Lai.
Sinabi ng ating Cricket na P1,000 a day ang allowance ng mga gwardiya na nagbabantay sa kanya sa naturang ospital.
Hindi raw kasi pinapayagan ng mga duktor na maka-labas ng pagamutan ang na-turang convicted na drug trafficker dahil sa kanyang madalas na “migraine”.
Si Yu Yuk Lai ay unang nadakip at nahatulang makulong ng habambuhay noong late 90s.
Pero ilang taon lang ang nakalipas ay muling nahuli ang nasabing bilanggo sa loob ng isang Hotel sa Maynila habang nagsusugal sa casino.
Paano siyang nakalabas ng bilangguan at nakapag-sugal pa nang walang kasamang escort?
Pera ang dahilan. Mala-king halaga ng pera ang sinasabing ipinangtatapal nila sa mga opisyal ng DOJ para maipagpatuloy ang kanilang mga maling gawain. Nagpalit man ang panahon pero nananatiling baluktot ang kalakaran sa ating mga hukuman at bilangguan kaya naghahari pa rin ang mga kalaban ng kapayapaan.
Nitong nakalipas na linggo lamang ay nabisto na hanggang ngayon pala ay may VIP treatment pa rin sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.
Muntik nang makipag barilan sa mga prison guards ang boss ng Sigue-Sigue Commando Gang na si Jaybee Sebastian.
Bukod sa armado ng ling firearm ay may bulletproof vest din daw ang nasabing preso dahil protektado siya ng opisyal na ating binabanggit.
Ang opisyal na ito na padrino ng ilang mga kriminal ay si Mr. B.K….as in Bukol King.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.