MAGANDANG araw po sa Aksyon Line at sa mga bumubuo ng inyong pahayagan. Nagtatrbaho ang asawa ko sa isang publication company. Gusto ko lang sanang itanong sa SSS kung maaari kaming mag-apply ng medical benefits para ang aking mister na kasalukuyang may sakit. Sinasabi ng kanyang doktor na mayroon siyang aneurysm tumama sa kanyang kanang mata. Malaking tulong din ang makukuha naming benipisyo sa SSS para sa mga gamot ng mister ko. Sa ngayon ay hindi muna siya makapagtrabaho Sana ay matulungan ninyo kami. Eto ang kanyang SSS number 03…
Hazel
REPLY: Para sa iyong katanungan Hazel. Base sa a-ming record, lumalabas na nauna nang nakapag-avail ng kanyang partial disability ang iyong mister noong 1997.
Subalit kung mayroon naman siyang aneurysm na sinasabi mo base sa findings ng kanyang doktor ay maaari siyang muling mag-avail ng partial disability. Kinakailangan lamang niya na magsumite ng mga kinakailangang requirements.
Kabilang sa mga requirements :
Disability Claim Application (SSS Form DDR-1);
Medical Certificate (SSS Form MMD-102)
Other documents that may be required to support the disability claim such as clinical and laboratory tests results, x-ray; and hospital records.
SSS digitized ID or E-6 (acknowledgement stub) with two valid IDs, one of which with recent photo.
Mayroon naman 10 years na prescriptive period para sa pag-file ng disability benefit makaraang mangyari ang disability.
Maaari naman na isumite sa pinakamalapit na sangay ng SSS ang aplikasyon para sa disability benefit.
Ms Lilibeth Suralvo
Senior Officer, Media Affairs Department
Social Security
System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.