JV EJERCITO type na type si SAM PINTO | Bandera

JV EJERCITO type na type si SAM PINTO

- October 11, 2012 - 03:35 PM

Masarap palang katsikahan si Congressman JV Ejercito, anak ni dating Pangulong Joseph Estrada kay San Juan City Mayor Guia Gomez.

Madaldal din pala ito.

First time kasing magpa-interview si Congressman JV sa showbiz press at humingi naman siya ng dispensa na ngayon lang siya humarap sa amin dahil nga mahiyain siya kaya mas gusto niyang nasa isang tabi lang.

Open book naman sa lahat na hindi in speaking terms sina JV at kapatid niya sa amang si Sen. Jinggoy Estrada kaya ito kaagad ang unang tinanong ng humarap siya sa entertainment press kamakailan.

Ang napangiti niyang sagot, “Well, I would say na we’re better right now, hindi naman kami buddy-buddy na nagte-text pero at least, hindi na kami nag-aaway tulad dati.

I think mature na kami pareho, in a way. Pareho na kaming tumanda.”

Nagkikita raw ang magkapatid na JV at Jinggoy kapag may events ang pamilya nila, “Pero ang talagang huling usap namin nang serious, noong nakakulong pa si Presidente Erap na sinabi sa amin ng tatay namin na ‘yan ang ikamamatay ko, eh. Di bale na itong ikinulong ako, okay lang sa akin.

Pero ‘yang hindi kayo magkasundo ay parang ‘yan ang ikamamatay ko.

Kung gusto ninyong tumagal ang buhay ko, magkabati kayo’. That was 2006 or 2007.

“So, at least ngayon, although we’re not really friends but we are not fighting anymore,” kuwento pa nito.

At dahil senado ang target ni JV sa 2013 election, kapag nanalo siya ay makakasama na niya si Sen. Jinggoy,  “Ang cons niyan siyempre, hindi maiiwas na maintriga kami, we would be compared.

On the other hand, ang pros niyan, I think people would realize na I think, as public servant, may sarili kaming posisyon, in fact we defer on some issues once in a while.

“Minsan, mayroon ding pareho, tulad ng Kasambahay bill na pareho kaming author, but if we defer, I think he just have to respect my opinion, I will have to respect his position,” magandang paliwanag ni JV.

At ang magiging celebrity endorser daw ni JV sa kandidatura niya ay ang Viva talent na si Sam Pinto.

Hmmmm, bakit si Sam? “Si Sam Pinto ang medyo close sa aking family.

Kasi, ang tingin ko, kahit na siya’y considered one of the sexiest na-maintain niya ang respeto sa kanya, ‘yung class, hindi siya bastusin,” paliwanag ni JV.

Inamin din ni JV na crush niya ang sexy star, “Oo, maganda siya.

Saka type ko ang mga ganu’ng Filipina beauty, di ako masyado sa mestisahin, mas type ko ang morena.”

Pero ngayong may asawa na si JV na isang dating flight attendant ng Cathay Pacific at based sa Hongkong at nabiyayaan nga ng isang anak ay going straight na raw siya at happily married simula noong 2007.

“Ayoko nga po sana siyang mag-resign kasi sayang ‘yung perks, nakakalibot kami sa buong mundo ng libre, e, ngayon wala na,” kuwento ni JV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, hindi pala pabor si JV sa kontrobersiyal na Cybercrime Law.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending