Mga Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. UE vs UST
4 p.m. NU vs FEU
Team Standings: FEU (5-1); UST (5-1); La Salle (4-3); Ateneo (4-3); NU (3-3); UE (2-4); UP (2-5); Adamson (1-6)
NASA unahan ng 89th UAAP men’s basketball tournament ang FEU Tamaraws katabla ang UST Tigers na parehong may 5-1 baraha.
Pero tiyak na masusukat ang kakayahan nito ngayon sa pagsagupa nito sa nagdedepensang kampeong NU Bulldogs ganap na alas-4 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Makakaharap naman ng UST ang naghihingalong UE Warriors alas-2 ng hapon.
Ang mga beteranong sina Mike Tolomia, Roger Pogoy at Mark Belo ang mga na
mumuno para sa Tamaraws pero nakukulangan pa si coach Nash Racela sa ipinakikita ng kanyang mga manlalaro lalo pa’t napahirapan sila ng Adamson Falcons sa huli nilang panalo, 64-60.
Ayon kay coach Racela, hindi dapat magpabaya ang mga Tamaraws mamaya dahil unti-unti nang nababawi ng mga Bulldogs ang dati nilang bangis matapos ang malamyang simula sa season.
Si Gelo Alolino ang lider ng mga Bulldogs ngunit ang pangunahing puwersa nila ay ang 6’8 import na si Alfred Aroga na may average na 13 puntos, 12.5 rebounds, 1.8 assists at 1.1 blocks kada laro sa naunang anim na labanan.
Ang Tigers naman muling aasa kina Kevin Ferrer, Ed Daquioag at Karim Adbul.
Sa kabilang banda, nais ng Red Warriors na makasilat para maputol ang tatlong dikit na kabiguan sa torneyo.
Hamon sa Warriors na patunayan sa kanilang mga sarili na kaya nilang gibain ang mga malalakas na koponan sa liga kahit karamihan sa kanila ay mga rookies. —Mike Lee
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.