Bawal mag-BF, sabi ni mama | Bandera

Bawal mag-BF, sabi ni mama

Pher Mendoza - October 07, 2015 - 03:00 AM

MANANG,
Ako po si Mae, 18 years old at taga-Bacolod City. May crush po ako, manang. At crush din niya ako. Nag-court po siya pero hindi ko sinagot dahil natatakot po ako na baka malaman ni mama.
Ipinagbabawal talaga niya ang pagkakaroon ng BF.
Minsan na lang po siya nagte-text. Miss ko na po siya. Ano po ba ang dapat na gawin ko? Need ko po ang advice ninyo. Thank you.
Mae ng Bacolod City

Mae ng Bacolod, kung hindi na masyadong nagbibigay ng pansin o oras ang cush mo sa iyo, malamang ay baka naisip niyang hindi ka interesado sa kanya.
Chances are sumuko na siya kasi nga sabi mo ay binasted mo na siya.
Sa tingin ko, tutal 18-year-old ka na naman, so it’s a decision on your part kung gusto mo talaga siya, then send him signals.
Kung sumuko agad, then baka hindi naman siya ganoon kaseryoso sa iyo. Ang taong totoong gusto ka, gagawin ang lahat, kahit maghintay nang matagal, kung gusto ka talaga.
Just keep calm and wait. Hanga ako sa iyo at may takot ka sa iyong mama at ininirespeto mo siya. Tama ‘yan, iha.
***
Payo ng tropa:
Ang isang anak na sumusunod sa mga magulang ay pinagpapala. Nakakatuwa dahil isa kang masunuring anak.
Baka ang nais kasi ng mama mo ay makatapos ka muna ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho bago ka magka-BF. Gusto lang kasi niya na masiguro ang future mo.
Pero kung sa tingin mo na nasa tamang edad ka na, nakatapos na ng pag-aaral at merong maayos na trabaho, maaari mo namang tapatin si mama mo para makapagdesisyon ka na para sa usaping damdamin.
Susan ng Nueva Ecija

Hello Mae,
Masunurin kang anak, maganda ang ganyang pag-uugali. Kung tutuusin puwede ka na rin magkaroon ng BF sa edad mong 18.
Maganda ang pagpapalaki sa iyo ng iyong mga magulang. Malay mo kaya sinukuan ka na ng manliligaw mo dahil nga nakikitang niyang wala naman siyang pag-asa, ang masakit dun ay hindi niya alam na crush mo rin siya.
Malay mo pagdating ng tamang panahon at ready ka na pumasok sa relasyon ay bigla na lang siyang dumating ulit, di ba? Mas mae-enjoy na ninyo ang relasyon dahil maayos na ang lahat. Mas masaya ang ganoong sitwasyon— ‘yung wala kang iisipin na magagalit.
Kaya sa ngayon mag-focus ka muna sa pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho para mas maging masaya ang mga magulang. Walang sasaya pa sa magulang na makita ang kanilang mga anak na nakatapos at magkaroon ng magandang trabaho.
Oki, good luck!
Ate Jenny
***

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending