Alden nasaktan sa Sugod Bahay, dinagdagan ang bodyguard
How true na nasaktan daw si Alden Richards dahil pinag-kaguluhan siya sa isang segment ng noontime show ng Siyete? Ang chika, hindi na-control ng security ng noontime show ang mga nagkagulong fans ni Alden kaya naipit yata ito at nasaktan nang i-mob siya.
Nakalmot pa raw ang binata ng isang fan. With this ay nagpasya ang noontime show na magdagdag ng security para sa actor. Mukhang walang foresight ang noontime show dahil hindi nila naisip na bigyan ng mas matin-ding security si Alden.
Anyway, marami ang nam-bash sa producers ni Alden when reports surfaced na sa sobrang pagod ay inuubo na ang actor. Halatang-halata na wala sa kondisyon ang katawan ni Alden nang mag-report siya sa Sunday noontime show ng Siyete.
Hindi lang daw nagrereklamo itong si Alden pero hirap na rind daw ito sa kanyang everyday duties as an actor, TV host, pictorial prince at endorser.
Everyday ay may work siya, sagad-sagaran ang kanyang trabaho na halos wala ng pahinga. Kahit na sandamakmak na pagkain at multi-vitamins ang laklakin niya araw-araw, kung puyat naman siya at sobrang pagod sa trabaho ay balewala rin.
“Yan ang sakit ng GMA, walang patawad sa artist nila. Pag may sikat talagang walang pahinga. Katulad na lang sa panahon ni Angel and Marian.” “Yes, he is striking while the iron is hot but working 7 days a week……eventually, his body will give.”
“GMA sana bigyan nyo naman si Alden ng 1-2 days na Eat Bulaga lang ang sched for the day para maka-rest sya kahit paano. Tao sya hindi kalabaw o robot.”
“It’s d responsibility of alden’s manager, or any manager of any artista, to make sure that d talent will be able to rest pa rin. it’s good 2b sikat with a lot of projects, just be sure ur healthy pa rin. health is wealth.”
Ilan lang ‘yan sa mga comments na lumabas sa isang entertainment portal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.