Heart, Chiz 7 buwan nang kasal pero magkahiwalay ng bahay
Malapit na palang matapos ang ipinapagawang bahay ni Heart Evangelista sa Quezon City na magiging love nest nilang mag-anak.
Kwento ni Heart sa isang panayam, Mediterranean ang design ng kanyang bahay sa labas pero French country look naman sa loob upang maging “homey” sa kambal na anak ni Sen. Chiz Escudero.
Pitong buwan na rin silang kasal pero hindi pa pala nakatira sa iisang bahay sina Chiz at Heart kasi hindi magkasya ang mag-anak sa maliit na townhouse na tinitirhan ng senador sa isang subdivision sa Quezon City.
“Weird” nga raw ang setup nila ni Heart, kwento ni Chiz, dahil palipat-lipat ang senador sa bahay kung saan nakatira ang kanyang kambal na anak, at sa bahay na inuupahan naman ng kanyang misis.
Sabi ni Chiz, tuwing gabi pagkatapos niyang mapatulog ang kanyang kambal na anak, lilipat naman siya sa bahay na nirerentahan ni Heart na ilang hakbang lang ang layo sa townhouse niya.
Sa umaga naman gigising siya ng maaga upang maihatid sa eskwelahan ang kanyang kambal na anak na sina Quino at Chesi, “Maganda. Masaya. Medyo mahirap lang kasi wala naman kaming iisang bahay,” sabi ni Chiz tungkol sa buhay nila ni Heart.
“Nagre-rent lang si Heart ng townhouse kung saan ako nakatira na subdivision. So, hindi kasya ‘yung gamit ko roon. Hindi kasya ‘yung gamit ng mga anak ko roon.
Hindi rin naman kasya ‘yung mga gamit niya sa townhouse na inuupahan ko. So, medyo alanganin lang at magulo ‘yung setup namin ngayon,” dagdag pa ng senador.
Mula noong naging congressman siya noong 1998, nakatira na si Chiz sa kanyang townhouse na malapit sa St. Luke’s Medical Center sa Q.C., “
At least, kapag natapos ‘yung ipinapagawang bahay ni Heart, pwede kong sabihing ‘ibinabahay’ ako ni Heart Evangelista,” natatawang sabi pa ng senador sa isang separate interview.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.