Sharon na-offend sa pang-iisnab ng FAMAS; pero nagpasalamat kay Nora | Bandera

Sharon na-offend sa pang-iisnab ng FAMAS; pero nagpasalamat kay Nora

Ervin Santiago - October 04, 2015 - 02:00 AM


sharon cuneta

NA-HURT si Megastar Sharon Cuneta matapos hindi makasama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga binigyan ng Iconic Movie Queens of Philippine Cinema award ng FAMAS kamakailan.

Ayon kay Sharon, medyo na-offend siya sa ginawa ng nasabing award-giving body dahil alam niya sa kanyang sarili na kahit paano’y nakagawa rin naman siya ng mga pelikulang maaaring ipagmalaki ng kahit sinong Filipino moviegoer lalo na noong dekada 80 hanggang 90.

Ang mga nabigyan ng nabanggit na award ay sina Susan Roces, Sarah Geronimo, Maricel Soriano, Gloria Romero, Dawn Zulueta at Nora Aunor.

Sa interview kay Sharon ng Tonight with Boy Abunda, nagpasalamat siya kay Ate Guy dahil sa pagkakabanggit sa kanyang pangalan sa naging acceptance speech nito during the awards night.

Sabi ng Superstar, “Gusto ko pong hatiin ang karangalang na ito sa apat na tao na sana po ay makita rin natin sa entablado sa mga susunod na taon. Unang-una na ay si Ms. Sharon Cuneta, dekada otsenta.

At itong year 2000 na si Bea Alonzo at si Marian Rivera, gusto ko pong ialay ang award na ito sa kanila.” Ayon naman kay Mega, ang ibinigay na award ay, “(Movie) Icons and Queens of the 80s and the 90s and the 2000s and I felt a little well…I wanted to be a little offended by the FAMAS because I know I was one of the… we were a few, just a few of us who ruled the 80s and the 90s and Ate Guy said that.”
Malaking bagay na raw ‘yung in-acknowledge ni Ate Guy ang naging kontribusyon niya sa industriya ng pelikula.

“And then I said if one of the actresses in the country and the world says this about you and show you how much she respects your being in the business and what you have contributed, you know what, wala nang hihigit pang honor du’n, di ba, kasi si Ms. Nora Aunor siya, she’s a Superstar.

“So pagka-ganu’n kalaking artista na nirerespeto ng buong mundo ang talent, wala ka ng kailangang kung sino mang ano…I love you Ate Guy, and salamat po ng marami,” dagdag pa ng Megastar.

In fairness, may point naman si Mega diyan. Sana, hindi muna nila isinama si Dawn Zulueta dahil mas deserving para sa amin ni Mega.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending