Mas nakakanerbyos ang teatro kesa sa concert at Your Face! – Michael P.
NAKAKATABA ng puso kapag naririnig ko sa maraming tao ang mga papuri nila sa husay ng performance ng baby nating si Michael Pangilinan.
Kasi nga, we literally saw him grow in this crazy industry – isang industriyang hindi mo batid kung ang isang artist ay sisikat ba o hindi.
Wala kasing guarantee sa mundo namin – kung ang isang artista o mang-aawit ba ay tatanggapin ng publiko o hindi. Same way that Michael started as a newbie, from scratch talaga hanggang sa unti-unting narinig ang munting pangalan niya dala ng napakaganda niyang tinig.
He worked his ass off talaga para marating ang maliit na kinalulugaran niya ngayon. There are times na kailangan niyang magsakripisyo para lamang mapagbigyan ang hiling ng kaniyang mga tagasubaybay.
He would spend sleepless nights studying his materials para pag sumalang na siya sa entablado ay hindi siya madehado.”Ito naman kasi ang talagang gusto kong gawin, ang kumanta.
I want to make a little name, gusto kong magpasaya ng mga tao. Bata pa lang ako mahilig na talaga akong kumanta, minana ko yata ito sa daddy ko. Dinadala niya ako sa mga karaoke bars noon, kahit bata pa ako nakikipag-duet na ako sa kaniya.
“Mga old songs nga lang ang naituro niya sa akin dahil malay naman niya sa mga bagong songs, di ba? Ha-hahaha! Malakas ang influence ng daddy ko sa pagkanta ko. Hindi naman talaga ako nag-aral kumanta, yung formal training kumbaga.
“Mahilig lang akong mag-check ng YouTube for some songs. Kaya heto, napasabak ako sa kantahan and I am very happy sa outcome ng singing career ko,” ani Michael na hindi lang sa pop music nasuong, isinabak ko na rin siya sa theater via the musicale “Kanser@35” under Direk Frannie Zamora.
Dahil laking teatro rin ako dati – formerly with Iloilo Drama Association – hanggang sa mapadpad ako sa PETA in the late 70’s, ginoyo ko si bagets na sumabak sa theater for some reasons.
Iba kasi ang discipline sa theater, hindi puwede ang pa-star dito. “Pantay-pantay kayong lahat. Hindi ka puwedeng ma-late dahil matatalakan ka ng direktor. Malaking tulong ito sa propesyonalismo ng isang artist kaya no choice si Michael but to do Crisostomo Ibarra in this musicale.
“Noong una, hesitant ako to do theater kasi nga iba naman ang tunog ng kantahan doon. Mas mahirap kung tutuusin dahil parang nagba-Balagtasan ka as you sing. Sa umpisa lang pala iyon, eventually ay mai-in love ka na sa tunog ng songs ng ‘Kanser’.
“Nakailang runs na ba kami, mga six na yata. Ngayong gabi ay gala night namin sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo kaya ninenerbiyos na naman ako. Bahala na si Lord na mag-guide sa akin.
“Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Iba kasi ito compared sa mga ginagawa ko sa pop concerts ko and sa Your Face Sounds Familiar. Iba ang challenge sa theater. Mas nakakakaba,” humbly says Michael.
Michael plays Crisostomo Ibarra in Kanser@35″, the longest running musical under Gantimpala Theater Foundation chaired by our friend Jun Flavier Pablo. Magagaling ang mga artists under their umbrella. Myramae Meneses plays Maria Clara.
Singer Jacob Benedicto is Michael’s ka-alternate as Ibarra. Gosh! Nakakalula ang kahusayan ng members ng cast and the production staff ng play ay sobrang babait at sobrang sisipag. Kaya enjoy na enjoy si Michael working with them.
“Alam ko na ang sikreto para hindi ako malito sa mga pinaggagawa kong projects, kasi there are times na nagkakasabay-sabay ang events ko. Ang ginagawa ko, if I do ‘Kanser’, I drop everything, doon lang nakatutok ang utak ko.
“Pag yung araw na iyon ay may schedule ako for a pop concert, doon lang naka-focus ang utak ko. Hindi ko puwedeng isipin ang ‘Kanser’ or any other thing para hindi malito sa mga tono ng mga kinakanta ko.
“Imagine, halimbawang tunog zarzuela ang ipakakanta sa aking ‘Thinking Out Loud’ dahil ang utak ko ay naka-focus sa ‘Kanser’. Ha-hahaha! Madali kasi akong malito, hindi naman ako tulad nina Tito Martin Nievera or Tito Gary V. na stable na ang musicality.
Basta ako, one at a time lang muna,” pagtatapat ni Michael. Aside from “Kanser@35 The Musicale”, Michael will also be the very special guest artist ng founding anniversary ng Cauayan, Isabela this coming Oct. 9.
He will do an excerpt ng isang play doon along with Lou Veloso, Jak Roberto, Sanya Lopez, among others. “Nag-‘Kanser’ lang ako, heto na naman ako sa isang musicale outside of Metro Manila.
Bongga, di ba? Hindi kaya ang ending ko ay nauwi ako sa zarzuelahan at mawala ako sa pop music? Ha-hahaha!” ang pagbaliw-baliwan pa ni bagets. Lukis, di ba?
Anyway, kita-kits na lang tayo at 6:30 tonight sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo para sa gala night ng “Kanser@35”. Sana ay maitawid nang maayos ni Michael ang performance niya.
Kasi yung ibang kasali sa play ay talagang mga taga-teatro kaya kampante kami pero si Michael ay maituturing na baguhan pa lang sa ganitong genre kaya medyo kabado kami.
Hope he delivers well dahil kung hindi, talak ang aabutin niya sa akin. Ha-hahaha! Joke lang! Siyempre malaki ang tiwala namin sa aming anak. Magaling kaya si Michael. Chos!!! Ha-hahaha!
Basta galingan mo lang, anak and enjoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.