Mr. Secretary absent sa inauguration, nakipagkita pala sa GF | Bandera

Mr. Secretary absent sa inauguration, nakipagkita pala sa GF

Den Macaranas - September 30, 2015 - 03:00 AM

TIYAK na may kalalagyan ang isang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Aquino kapag nalaman ng misis nito ang kanyang pinaggagawa sa isang lungsod sa Visayas region kasama ang tisay at batam-bata niyang girlfriend.

Sinabi ng ating mga Crickets (hindi lang isa ‘yan) na imbes na dumiretso sa inauguration ng isang major government project sa Iloilo City kamakailan, sa Bacolod City muna pumunta ang ating bida.

Sinundo ng isang kotse sa airport si Mr. Secretary bago siya idiniretso sa isang mamahaling resort sa lungsod.

Bago pa man duma-ting si Mr. Secretary ay naka-check in na sa naturang resort ang isang maganda, tisay at batam-batang jowa ng kalihim.

Buong araw ng Sabado at Linggo ay magkasama ang dalawa at lumabas lang ng resort ang kalihim Lunes na ng umaga bago dumiretso sa Iloilo City.

Sa mga nagtatanong kung nag-disguise ba si Sir? Siyempre naman.

Sinabi ng ating Cricket na wala siyang kasama sa pagpunta sa Bacolod City at nakasuot pa siya ng NBA bullcap para hindi makilala ng mga kasabay sa byahe.

Wala sa itsura ni Sir ang gagawa ng kalolokahan dahil bukod sa kanyang estado ay may edad na rin ito.

Pero ibang klase raw ang taste ni Sir, ayon sa ating Cricket, dahil artistahin ang kanyang GF.

Hindi raw ito ang unang pagkakataon na pumuslit ang kalihim para katagpuin sa nasabing lungsod ang kanyang ka-affair.

May mga pagkakataon din na si Girl ang lumuluwas sa Metro Manila at sa isang bagong hotel sa Pasay City ang kanilang love nest.

Sinabi ng ating Cricket na hindi lang busog sa pagmamahal kundi busog din sa materyal na bagay ang GF ni Mr. Politician.

Mula sa mga alahas hanggang sa mga gadgets ay updated ang jowa ni Sir.

Si GF din daw ang dahilan kung bakit blooming si Sir sa kabila ng matinding pressure sa kanyang trabaho bilang opisyal ng gobyerno.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Mr. Cabinet member na may itinatagong Girlfriend sa Bacolod City ay si Mr. A.B….as in Amoy Baby.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending