'Felix Manalo' ni Dennis ka-level na ang Avengers, Twilight at Hunger Games | Bandera

‘Felix Manalo’ ni Dennis ka-level na ang Avengers, Twilight at Hunger Games

Ervin Santiago - September 28, 2015 - 02:00 AM

dennis trillo

BONGGA ang Viva Films at ang kanilang partner cinemas dahil isang unprecedented move ang nakatakda nilang gawin para sa isang local film sa pamamagitan ng tinatawag na advance ticket selling simula ngayong araw.

Ito’y para sa monumental epic bioflick na “Felix Manalo”. Pinamahalaan ng multi-award-winning director na si Joel Lamangan sa pangunguna ng versatile actor na si Dennis Trillo sa lead role ng Iglesia ni Cristo founder at first executive minister na si Ka Felix Manalo, ang napakainit at pinakapinag-uusapang pelikula ay kaliga o kahanay na ngayon ng foreign blockbuster movies gaya ng “The Avengers,” “Twilight” at “Hunger Games” series dahil sa hakbang na ito.

Ang nasabing advance ticket selling ay available sa mahigit 300 na sinehan sa buong bansa nationwide para maayos at makaiwas ang mga gustong manood ng “Felix Manalo” sa pagsisiksikan sa opening day, Oct. 7.

Ang premiere night na gaganapin sa Oct. 4 sa 55,000-seater Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, ay inaasahang dadaluhan ng 30,000 to 40,000 guests. Kabilang sa numerong ito ang mahigit 100 artistang may special roles sa pelikula.

Ang mala-higanteng okasyon, na mapapanood sa isang five-storey high (120 meters by 40 meters) screen, ay naglalayon ding magtala ng dalawang Guinness Book of World Records para sa largest audience attendance in a film premiere at film screening.

Ilan sa makakasama ni Dennis sa pelikula ay sina Bela Padilla, Gabby Concepcion, Richard Yap, Mylene Dizon, Yul Servo at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending