Heneral Luna lugi ng P20-M; Paulo bibida sa Gregorio Del Pilar
UMABOT pala sa P88 million ang budget ng pelikulang “He-neral Luna” na kasalukuyang pa-labas ngayon sa mga sinehan at balitang nakaka-P68 million pa lang ito ngayon – malayo pa sa target na P150 million para raw may pampuhunan ulit sa susu-nod nilang pelikula na “General Gregorio del Pilar.”
Yes bossing Ervin, ang i-susunod palang gagawin ng Artikulo Uno Productions ay ang “General Gregorio del Pilar”, ang pinakabatang heneral na Rebolusyonaryo na pagbibidahan ni Paulo Avelino.
Kaya pala si Paulo ang isa sa last frame na ipinakita sa “Heneral Luna”. Sisimulan daw ang shooting nito sa 2016 pero depende pa sa availability ng mga artistang kasama sa pelikula.
Maganda ang “Heneral Luna” ni John Arcilla, pero kuwestiyonable kung paano siya pinatay ng mga kawal ni Heneral Emilio Aguinaldo dahil nakailang tama ng baril sa katawan at ulo bukod pa sa saksak ng espada at gulok pero buhay pa rin?
Sabi nga ng mga estudyanteng nakasabay naming manood, “Ay parang hindi naman kapani-paniwala ‘yun, ano ‘yun may anting-anting?”
Inisip namin na baka nga may agimat si Luna dahil kung ang ilang matatanda ang tatanungin, uso raw noong araw ang mga anting-anting tulad ng mga kuwintas na isinusuot noon ng ating mga ninuno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.