Bagyong Jenny lumalakas habang papalayo ng PH; signal number 1 nakataas sa Batanes
LUMAKAS ang bagyong Jenny habang patuloy itong lumalayo sa bansa, ayon state weather bureau.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na aabot ang lakas ng hangin na taglay ni Jenny sa 175 kilometro kada oras malapit sa gitna at gustiness na aabot hanggang 210 kilometro kada oras.
Ganap na alas-10 ng umaga, tinatayang nasa layo na 590 kilometro silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes ang bagyo.
Nakataas ang public public storm warning signal No. 1 sa Batanes.
Ito’y gumagalaw sa bilis na 15 kilometro kada oras sa kanluran hilagang kanlurang direksyon.
Inaasahang lalabas si Jenny sa PAR sa Miyerkules ng umaga. Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.