MERON na palang intelligence report na natanggap ang mga awtoridad na sasalakayin ang Samal island, pero binalewala ito.
Nang tinanong si Col. Restituto Padilla, spokesman ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kung may intelligence report nga tungkol sa Samal island sinabi niyang “two years old” na ito.
Sus, dahil matagal nang natanggap ang report, na-ging pabaya na ang AFP at ang Philippine National Police (PNP), kaya’t nalusutan sila ng mga kidnappers.
Nakakahiya na naman tayo dahil sa nangyaring pangingidnap sa tatlong banyaga at isang Pinay sa Oceanview Marina resort sa Samal Island.
Pinag-uusapan na naman tayo ng buong mundo dahil sa masamang balita.
Nang dahil sa katangahan ng ating mga sundalo at pulis, naging tanyag na naman tayo sa buong mundo.
Gaano katagal bago nakapag-react ang ating kapulisan at kasundaluhan matapos nilang matanggap ang report na sinalakay ng masasamang-loob ang Samal Island.
Matagal, as in… to borrow a favorite phrase of teenagers when they’re at a loss for words to describe something.
Habang ginagalugad ng kasundaluhan at kapulisan ang karagatan ng tatlong probinsiya ng Davao at mga kabundukan nito, nakalanding na ang speedboat na sinakyan ng mga kidnappers at apat nilang bihag sa Patikul, Sulu.
Ang tatanga ninyo, mga pare ko!
Maiintindihan natin ang isang army unit na nagapi ng kaaway sa pakikipaglaban.
Pero hindi mapapatawad ang nasabi unit kapag nagapi sila dahil natutulog sila nang sumalakay ang mga kalaban.
Parang hindi dumaan sa pagka-boys scout ang mga sundalo at pulis sa Davao dahil di nila sinunod ang motto ng boy scout: Laging handa.
Nalusutan sila ng mga kaaway dahil natutulog sila sa pansitan.
Dahil sa matagumpay na pagsalakay sa Samal island, mae-enganyo pa ang Abu Sayyaf, kung sila ang nagsagawa ng pagsalakay, o ibang grupo na magsagawa ng atake sa ibang lugar sa bansa kung saan maraming foreign tourists.
Ang mga lugar na easy targets ay Boracay island sa Visayas at El Nido o Amanpulo sa Palawan.
Ang Amanpulo resort ay lugar kung saan nagtatampisaw ang mga Hollywood stars.
Baka maulit na naman ang nakaraang mga kidnapping ng foreign tourists.
Matapos salakayin ng Abu Sayyaf ang Dos Palmas resort sa Puerto Princesa City, nakatanggap ako ng intelligence report na hindi talaga target ng grupong bandido ang resort island.
Ang kanilang target ay isa mga island resorts sa El Nido o Amanpulo, pero naligaw sila at napunta sa Dos Palmas.
Dapat doblehin, o dili kaya ay triplehin, ang pagbabantay sa El Nido at Amanpulo.
Dapat ay 24/7 (24 hours, 7 days a week) ang pagbabantay upang di na maulit ang nangyari sa Dos Palmas noong 2001 at sa Samal island kamakailan.
At hindi porke’t walang nangyari habang sila’y nagbabantay ay magre-relax na sila gaya ng ginawa ng mga kasundaluhan at kapulisan sa Samal island.
Kidnapping ng Abu Sayyaf. Problema sa insurgency. Napakataas na crime rate. Mataas na bilang ng mga drug addicts dahil hindi masugpo ang pagkalat ng droga. Walang disiplina sa kalye kaya’t nagka-kabuhol-buhol ang traffic.
Kailangan natin ang isang pangulo na may kamay na bakal upang malutas ang mga problemang nabanggit.
Ang mga nagpahayag ng kanilang intensyon na tumakbo sa 2016 ay mga mahihina ang loob, babakla-bakla o lubhang kawatan.
Kailangan natin si Davao City Mayor Rody Duterte na maging pangulo ng bansa.
Nilinis niya ang Davao City, isang napakamagulong lugar, ng mga kriminal at drug traffickers at pushers.
Dahil sa kanya, ang Davao City ay naging No. 5 safest city in the world, a-yon sa isang international survey.
Si Duterte lang ang pag-asa ng ating bayan upang maging matahimik ito at umunlad.
Pero ayaw ni Duterte na tumakbo dahil wala siyang pera at makinarya.
Dumalo sa rally nga-yong araw, Sabado, alas 2 ng hapon sa Luneta (Rizal Park) at ipadama kay Duterte ang inyong suporta.
Baka makumbinsi pa natin siyang tumakbo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.