Di makalimutan ang yumaong mister | Bandera

Di makalimutan ang yumaong mister

Pher Mendoza - September 25, 2015 - 03:00 AM

MANANG,

Ako po si Bea, 26 years old at taga-La Trinidad, Benguet.

May problema po ako ngayon. Isa po akong widow at may mga nanliligaw po sa akin. Magtatatlong taon nang namatay ang asawa ko pero bakit hangang ngayon ay hindi ko siya makalimutan. Ano po ba ang dapat kong gawin para makalimot?

Salamat po.

Bea, La Trinidad, Benguet
Dear Bea,

Understandable naman, Bea ng Benguet, kung bakit hindi mo pa makalimutan ang iyong yumaong asawa. Minahal at malamang mahal mo pa ang taong iyong piniling pakasalan. But life has to go on.

Tatlong taon na naman at nasa sa iyo kung ito ba ay sapat na panahon na para ikaw ay mag-move on.

‘Ika nga, that chapter of your life which included your former husband has already ended.

Ititigil mo na ba ang buhay mo sa chapter na ito or gusto mo bang malaman ang laman ng iba pang pahina at kung ano ang mapupulot mong istorya at aral rito?

Be gentle with yourself and ask whether you’re ready to give another man a chance. Maaaring hindi mo talaga lubos na malimutan ang iyong asawa bagkus ay kailangan mong tanggapin na naging bahagi siya ng buhay mo. Your life is still yours at bata ka pa naman. Maybe you can choose to be happy sa pamamagitan ng bagong inspiration.

Payo ng tropa

Hello Bea,
Natural lamang iyon na mahirap makalimutan ang minahal, lalo pa’t hindi naman nasira ang pagmamahalang ito kundi natuldukan dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Pero hindi nangangahulugan na hindi ka na magmo-move on. You don’t need to forget him for you to love someone new. Hindi kailangan iwaglit ang pagmamahalan ninyo ng yumao mong asawa pero nakalipas na iyon. He is now part of the past. Hindi na iyon madagdagan pa kaya nga you need to face the future na ikaw na lang mag-isa, and along the way makakatagpo ka ng bago mong mamahalin if you let go of the past. Letting go of the past does not mean you have to forget everything.
Estrella, Mandaluyong City

Hi Bea,

Naiintindihan kita kung bakit until now hindi mo pa rin nakakalimutan ang namatay mong asawa, three years pa lang naman.

Walang masama na alalahanin mo siya lagi, at alam kong lagi siyang nasa puso mo. Matuwa ka kasi may mga manliligaw ka, at least ibig sabihin nun, ma-beauty ka pa rin sa paningin ng iba. Try mo din makipag-chikahan sa kanila.

Ikaw din naman ang makakapagdesisyon kung gusto mo nang pumasok sa bagong relasyon or hindi pa, di ba? Basta focus ka muna sa mga pinagkakaabalahan mo sa ngayon, at enjoy mo lang ang buhay dahil napakaganda ng buhay na ibinigay sa atin ng Diyos.

Good luck na lang sa darating na magmamahal at mamahalin mo. Sabi nga ni Lola Nidora; “Sa tamang panahon!”

Ate Jenny

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending