Mikael dumugo ang ilong sa lakas ng pagsapak ni Dennis
NAGDUGO ang ilong ni Mikael Daez dahil sa lakas ng suntok ni Dennis Trillo.
Nangyari ang insidente sa taping ng kanilang GMA Telebabad series na My Faithful Husband habang kinukunan ang kanilang fight scene. Na-ging makatotohanan daw ang nasabing eksena kaya napalakas ang sapak ni Dennis kay Mikael.
Agad naman daw nabigyan ng first aid si Mikael at agad ding humingi ng paumanhin si Dennis sa nangyari. Pagkatapos ng kanilang bugbugan scene ay agad nag-akayan ang dalawang aktor patungo sa kanilang tent.
Pagkatapos ng ginanap na grand presscon ng bagong pelikula ni Dennis, ang biopic na “Felix Manalo” under Viva Films, nakachika namin ang aktor at inamin naman niya na talagang nasuntok niya si Mikael sa taping ng My Faithful Husband pero aksidente nga raw ito.
Anang Kapuso actor, hindi sinasadyang napalakas ang kanyang suntok kaya tinamaan sa ilong si Mikael, “Oo nga, e. Medyo nagkaroon kami ng aksidente roon pero hindi naman sinasadya.
“Sa eksena, yung mga bugso ng damdamin kapag ginagawa yung mga eksena, minsan hindi napipigilan, nagkakaroon ng mga konting aksidente talaga,” esplika ng leading man ni Jennylyn Mercado sa nasabing serye.
May chika na totoong nagkapikunan sila ni Mikael kaya naging totoo na ang suntukan nila, “Hindi naman. May ginagawang fight scene, aksidente na nadaplisan ko yung ilong niya. Kinailangan ko siya suntukin sa eksena.
“Pero nag-usap naman kami after ng eksena, nilapitan ko siya. Nag-sorry ako na hindi talaga dapat nangyayari yun. Pero alam niyo na aksidente, minsan nangyayari talaga,” aniya pa.
Samantala, sinabi ni Dennis na ito na yatang epic film bio na“Felix Manalo” ang pinakamahirap at pinaka-challenging na proyektong nagawa niya sa kanyang showbiz career.
Bukod kasi sa mabibigat at madadramang eksena, kinailangan din siyang lagyan ng prosthetics para sa huling bahagi ng pelikula na idinirek ni Joel Lamangan.
Ayon naman sa mga producers nito, guguhit ng panibagong yugto sa kasaysayan ng Philippine cinema sa layon nitong higitan ang Guinness World Records para sa largest audience attendance sa isang film premiere at screening sa Oct. 4.
Ang premiere ay idaraos sa 55,000-seater Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan; tatlong araw bago ang opening date nito sa mga sinehan sa buong bansa sa Oct. 7.
Ang pinakamakikinang at pinakasikat na bituin at iba pang nirerespetong celebrities, sa pangunguna nga ni Dennis, ay inaasahang dadalo sa tinaguriang momentous event.
Ginagampanan nga rito ni Dennis ang mahalagang karakter ni Ka Felix Manalo, ang unang Executive Minister ng Iglesia ni Cristo, habang ang maganda at mahusay na aktres na si Bela Padilla ang gaganap bilang kaniyang butihing maybahay na si Ka Honorata.
Suportado sina Dennis at Bela ng mahigit sa 100 na malalaking artista sa “Felix Manalo,” gaya nina Gabby Concepcion, Gladys Reyes, Jacklyn Jose, Snooky Serna, Lorna Tolentino, Richard Yap, Heart Evangelista, Alice Dixson, Raymond Bagatsing, Mlene Dizon, Yul Servo, Ruru Madrid, Dale Baldillo at marami pang iba.
Kaugnay ng film premiere, ita-transform ang Philippine Arena sa isang malaking theatre, gamit ang 22 meters by 40 meters na screen para sa isang makabuluhang full-theater experience.
Kinunan ang naturang pelikula sa loob ng 58 shooting days sa loob ng walong buwan kasama ang best, brightest and well-respected names sa local film production scene para maseguro ang world-class quality ng “Felix Manalo.”
Ang mga bigating pa-ngalan na nasa team ni Direk Joel ay kinabibilangan ng director of photography na si Rody Lacap, production designer Edgar Littaua, set design and construction Danny Red, costume designer Joel Marcelo Bilbao, hair and make-up Juvan Bermil, musical director Von de Guzman at sound engineer Albert Michael Idioma, film editor John Wong, visual effects supervisor Adrian Arcega, assistant director Arman Reyes and associate director Julius Alfonso.
Masasabing monumental film ang “Felix Manalo” dahil binabagtas nito ang pagsisimula at paglago ng INC mula 1914. Matiyaga ring ni-replicate ng produksyon ang mga pangyayari at lokasyon mula 1886, taon ngkapanganakan ni Ka Felix, hanggang 1963 sa kaniyang kamatayan.
Siguradong mamamangha ang manonood sa production sets at costumes ng pelikula na sumasalamin sa mahahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pili-pinas habang isinasalaysay ang mga pagsubok sa buhay atpananampalataya ni Ka Felix bilang isang ordinaryong tao, asawa at responsableng ama, at isang makapangyarihang lider.
Nakatakda itong mapanood sa mahigit 300 sinehan nationwide simula Oct. 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.