DECISION 2013: Balanga City Mayor Jose Enrique ‘Joet’ Garcia III
Edukasyon prayoridad ng Balanga
Ni Bella Cariaso
PARA kay Balanga City Mayor Jose Enrique “Joet” Garcia III, edukasyon ang prayoridad ng kanyang liderato, kaalinsabay ang pag-target na makilala ito bilang isang world-class University Town pagsapit ng 2020.
Sa isang panayam kay Garcia matapos siyang bumisita sa Inquirer Bandera kamakailan, ipinakita ni Garcia ang plano ng kanyang administrasyon tungkol sa kanyang proyekto na magtataguyod sa kagalingan ng syudad.
Ang masterplan ay idinisenyo ng world renowned Architect Felino Palafox, Jr. at ang ideya ay pinagsasamang isip, talino at pag-aaral ng kanyang masisipag na mga kasama sa syudad.
Nabuo ang konsepto sa adhikain na ang syudad at mga residente nito ay magkaroon ng maayos na access sa edukasyon.
Sa ngayon ay merong 12,000 scholars ang syudad na ginugugulang ng P84 milyon.
“We have more than 400 teachers para sa masters at doctorate degrees nila and we have a comprehensive parenting program,” sabi ni Garcia.Punto ni Garcia, anak ng gobernador ng Bataan na si Enrique “Tet” Garcia, ang pagbibigay ng edukasyon ay hindi lamang sa mga mag-aaral na bata kundi sa kani-kanilang mga magulang din.
Aniya, nagsasagawa rin ang Balanga City ng parenting program na kung saan inaatasan ang mga magulang ng mga gustong maging iskolar ng bayan na mag-enrol.
“It deals with budget and finances, relationships, stages ng development ng mga bata… so very holistic ang kanyang approach and currently we have more than 2,000 parent graduates,” paliwanag pa ni Garcia.
Maipagmamalaki din umano ng syudad ay ang pagkakaloob sa mga guro sa pampublikong paaralan ng mga laptop.
“Ang ginawa namin dito subsidized program, bigyan ka namin ng subsidy P5,000 kung ano yung tira babayaran mo over one year. After that sa ‘yo na ‘yon.
Ginagamit nila in teaching the students,” dagdag ni Garcia.
Ayon pa kay Garcia, bumuo din ng University Town Foundation na kung saan target nito na makalikom ng P500 milyong pondo sa loob ng limang taon o P100 milyon sa isang taon na pandagdag sa gastusin ng proyekto para sa edukasyon.
“Kasi yung government limited yung resources pero if we can tap the private sectors kayang-kaya i-raise.
Maganda ang network ng Balangeno, plus Architect Palafox is also a member.
Maraming friends ang nagtutulong-tulong to bring this dream into reality,” sabi pa ni Garcia.
Aniya, target din ng lungsod na mabigyan ng level three accreditation ang lahat ng pampublikong elementarya sa Balanga City.
Sinabi pa ni Garcia para maabot ang pagiging university town ng Balanga City, sinimulan na ang renobasyon ng plaza sa lungsod at inaasahang matatapos ito sa Disyembre.
Ito ay bubuuin ng city mall, first city library, public market, wetland and nature park.
“It’s a P300 million development at walang gastos ang city and they will be paying the city,” paliwanag ng alkalde.
Kamakailan lamang itinanghal si Garcia bilang Presidential Lingkod Bayan awardee na mismong si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang nagkaloob dahil sa mga epormang kanyang ipinapatupad sa kanyang nasasakupan.
Kasabay nito, sinabi ni Garcia na mahigpit na nagpapatupad ang kanyang administrasyon ng mga ordinansa para masiguro na magiging angkop na lugar para sa pag-aaral ang Balanga City.
“May zoning kami when it comes to beerhouses, so kung may beerhouse ka dun ka sa Manila Bay o kaya sa bundok, dapat three kilometers away from the city center,” aniya.
Hindi rin ubra ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Sa ilalim ng kampanya hinggil sa anti-smoking, sinabi ni Garcia papatawan ng multa mula P500 hanggang P2,000 ang mga naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
“Bawal sa sidewalk, bawal sa town plaza, bawal sa public place, public utilities, bawal sa pilihan ng tricycle, paunti-unti, naaappreciate ito ng mga resident,” sabi ni Garcia.
Isa pang pinagmamalaking programa ni Garcia ay ang Barangay Week na kung saan nag-oopisina siya at iba pang opisyal ng lungsod sa mga barangay.
“At least 25 barangays lang ang Balanga, so what we do, gumawa kami ng system na every other week kami nag-oopisina sa barangay,” pagmamalaki niya.
Kasabay nito ay nagbibigay angg lungsod ng insentibo sa mga natatanging barangay.
Ngayong paparating na halalan, naniniwala si Garcia na malaking tulong ang magandang rekord ng ama at kapatid na si Bataan Rep. Albert Garcia para maipagpatuloy niya ang kanyang programa sa mga susunod pang taon.
Iba’t ibang hirit ni Joet Garcia
BAGO pa man tuluyang makapag-file ng kanyang Certificate of Candidacy for reelection, inalam ng Inquirer Bandera sa incumbent Balanga City Mayor Joet Garcia ang kanyang mga opinyon at posisyon sa ilang mahahalaga at napapanahong isyu.
At narito ang kanyang mga sagot sa tanong ng Inquirer Bandera nang nakapanayam siya nito.
Reproductive Health bill
I’m against RH bill. Contraceptives have that possibility of affecting not only the mother but the child.
Natural yung pinupush namin.
Of course, kapag may bumaba from DOH (Department of Health), ibibigay yun ng health office, ang daming kailangang iprioritize.
When I assumed, P2 million ang inilalaan sa contraceptives, pero para sa mas malalalang sakit P24,000, P26,000 per year lang.
Ang daming pangangailangan and yet napupunta sa contraceptives.
Sa huli may choice pa rin ang mga couple.
Jueteng
We don’t allow jueteng. Nababalitaan ko ginagamit lang yung STL sa jueteng.
Recently, marami kaming huli, sa mga bookies, sa mga illegal numbers game, very strict naman.
We implement one strike policy, so takot din ang mga hepe.
Revival ng Bataan Nuclear Power Plant
Kami, we are not for it…we don’t want BNPP to be revived.
Unang una marami nang structural problems, and then with what happened with Japan, I think this is not the right time to go nuclear.
So, even before naman, even the position of the province was not to revive BNPP.
But we have now a power plant.
Sa Mariveles, that’s a clean coal. So, mas favor kami dun compared to BNPP.
It will go online in January 2013, 600 megawatts.
Ang kagandahan din dun, we have agreement with the provincial government that they will give us preferential rate. Bataan will have probably the cheapest electricity in the country by 2013.
Anti-dynasty bill
I admit na nakapasok ako sa politika, ganun din naman sa other profession.
Ako hahabol ako, anak ako ni Governor, kapatid ako ni Congressman, sa huli naman yung tao pa rin ang magdedecide.
Waste disposal / plastic ban
Segregation ang solusyon naming.
Hindi ako for plastic ban.
At this point, ang kailangan stricter implemention of anti-littering law.
Per se yung plastic, hindi naman masama ang plastic.
Nagiging masama kapag tinatapon ng mga tao sa iba’t- ibang lugar.
Sex education
Hindi lang sa mag-aaral dapat ang sex education but for parents too.
Ang itinuturo namin sa parenting (class) is the value of chastity, not only sex education… kasi pag tinuruan namin ang mga parent ng value ng chastity, iyon ang ituturo nila sa kanilang mga anak.
We are one step further.
Divorce
Not in favot, kasi pro-family ako.
Abortion
No
Same sex marriage:
It should be same sex union, kasi marriage is for female and male.
Logging
Strict kami dun. Kahit may nahuhuli lang kaming nag-uuling, hinuhuli, kinakasuhan ng PNP, DENR.
Contractualization:
Siguro gawin kong example yung economic zone sa Mariveles.
Ang concern ng mga empleyado…paano tutulong ang pamahalaan, na halos lahat contracutual, walang security, walang growth, ang sinagot actually ni Congressan Ambeth, habang pinapaganda natin ang free port para mag-invite ng mga investors, ang hope na lang natin, because of the influx of the investors, magkaroon sila ng competition and because of competition, they have to offer benefits to their employees,
Pag nagkaganon, nagpipirate ang mga companies sa Freeport, so they have no choice but to i-regularize yung mga tao na alam nilang malaki ang maitutulong sa kanilang company.
Charter change
Maraming kailangang baguhin sa economic provisions and I think three years (in government position) is also too short, sana sa political side meron din na changes para maging effective … less gastos.
K to 12 educational program
K to 12, kailangan talaga to help improve the quality of education. K to 12 is a must, kung meron tayong kulang sa classroom, kulang sa teachers, let’s look for innovative ways. Huwag icompromise yung quality.
Pork barrel
I am for it. Especially with our experience, meaning yung pagbaba ng pork barrel, napupunta sa scholarship.
Kung ang kinukuwestiyon sa pork barrel ay yung corruption, sa scholarship, paano ka maiinvolved sa corruption, kung 6,000 yun o 12,000 yun talaga ang mapupunta sa beneficiaries.
If used properly, malaking bagay ang pork.
Peace process
Insurgency, it has to be tackled kasi nobody wins in war. Meron dapat hindi i-compromise.
Labor export
Marami niyan dito sa Balanga City.
Actually, yun pa siguro ang nagdadrive ng economy ng Balanga, OFWs.
Kung 20,000 ang aming population, kalahati ng pamilya may kamag-anak sa abroad.
So although affected yung family, parang minsan no choice, kailangan magsurvive.
So, siguro ako, I’ll just push for support dun sa family, nagpaplano kami on how to support families of OFWs.
Artista joining politics
Ok lang, right din nila yun.
Politicos joining showbiz
Ok lang din.
Mining
Kami more of may paunti-unti kaming quarry, and then mga panambak, lupa, base sa nangyayari sa climate change, sa pagbabaha
Ako, as much as possible, ayoko sana, kaya lang magsa-suffer din yung… so we are just implementing yung mining laws, sinisiguro namin may ECC ba yan, hindi lumalagpas sa area na dapat niyang minahin.
Describe GMA
She is hardworking, workaholic.
President Noynoy
For one, he was destined to become our president, and he has brought… yung confidence ng tao, ng businessmen sa government. I think we have to acknowledge na his presence alone brings in that confidence.
Philippine sports
May pag-asa ang Philippines sa sports but it has to go down to our level, local, DepEd.
Alam nyo ba na required ang PE pero sa mga bata, even sa Balanga, hindi na nagpi-PE, so how can you come up with honest to goodness sports development kung yung physical education classes hindi na na-iimplement sa iba’t-iba nating schools.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.