Panukala ni Gordon, wala nang campaign ads | Bandera

Panukala ni Gordon, wala nang campaign ads

Ramon Tulfo - September 22, 2015 - 03:00 AM

KUNG susundin ng gobiyerno ang panukala ni former Sen. Dick Gordon, di na gagastos ng malaki ang mga presidential candidates sa pangangampanya.

Dahil dito wala silang pagkakautangan ng loob na mga vested interest groups at individuals na magtutustos sa kanilang kampanya.

Sa ilalim ng panukala ni Gordon bawal na ang paglalagay ng TV and radio commercials ng mga kandidato.

Sinabi ni Gordon na sa radio at TV ads pa lang, magbabayad ang isang kandidato ng P500,000 hanggang P850,000 sa isang 30-second commercial.

Ang Commission on Elections o Comelec, ani Gordon, ang mag-i-schedule ng town hall meeting sa lahat ng probinsiya at lungsod araw-araw sa campaign period.

Sa town hall meeting, ilalahad ng kandidato ang kanyang plataporma at paninindigan sa mga isyung nasyonal at lokal.

Magiging debate ng mga kandidato ang town meetings dahil tatanungin ng taumbayan, sa pamamagitan ng mga representante, ang kandidato kung ano ang pagkakaiba ng kanyang plataporma sa ibang kandidato.

Ang Comelec ang magtutustos sa gastusin sa lahat ng town hall meetings ng mga kandidato.

Ibig sabihin nito, sabay-sabay ang kampanya ng mga kandidato sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Ang malaking gastos sa kampanya ang nagbubunsod na lapitan ng mga kandidato ang ilang vested interest groups o individuals upang magtustos sa kanyang kampanya.

Ang mga interest groups o individuals na ito ang hahawak sa leeg ng kandidato kapag siya’y nasa puwesto na.

***

Pinapaliwanag ng
Korte Suprema si Makati City Regional Trial Court Judge Winlove Dumayas kung bakit mistulang pinawalang sala ang apat na mga kabataan na pumatay kay US Marine Maj. George Anikow noong 2012 sa gate ng Bel-Air Village.

Binigyan ni Dumayas ng suspended sentence ang dalawa sa apat na salarin at pinawalang sala ang dalawa pa.

Naging kontrobersiyal ang sentensiya ni Dumayas sa apat.

Mismong si US Ambassador Philip Goldberg ang nagkomento na hindi man lang nakulong ng isang araw ang mga salarin.

Kung ibang judge na matino-tino ang humawak ng kaso ay nasentensiyahan sana ang apat ng habambuhay na pag-kabilanggo dahil sa murder.

Ang kaso ay ginawa ni Dumayas na homicide sa halip na murder.

There were three elements that made the crime murder: Apat sila laban sa isa; armado sila ng kutsilyo samantalang si Anikow ay walang armas; hinabol nila ang biktima na tumakbo na sa laban upang tapusin ito.

Ang apat na mga kabataan ay angkan ng mayayaman kaya siguro pinawalang-sala sila ni Dumayas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umaksyon ang Supreme Court laban kay Dumayas dahil sa batikos ng column na ito sa huwes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending