Sey ni Vice: Kumpetisyon po ito, pero wala namang personalan! | Bandera

Sey ni Vice: Kumpetisyon po ito, pero wala namang personalan!

Reggee Bonoan - September 20, 2015 - 02:00 AM

vice ganda

NAGSALITA na si Vice Ganda sa tsikang single digit na lang ang rating na nakukuha ng It’s Showtime.
Makailang beses na kaming nagtatanong sa mga taga-ABS-CBN at taga-Showtime kung totoong nag-single digit ang rating ng programa at natatalo lagi ng katapat nilang show sa GMA.

Kuwento ng TV host-comedian nang makatsikahan namin noong Biyernes, “Noong simula, hindi talaga namin alam, eh. Hindi kasi talaga sinasabi (ng management). Kahit minsan, itanong namin, hindi naman kami sinasagot.

“Eh minsan, sa Twitter, lumalabas naman (ang ratings), pero hindi naman regular. Hindi talaga sinasabi sa amin ang rating. Kaya pag nagtanong kami, ‘How are we doing?’ ‘We’re okay’ (ang sagot). Pero kaming mga hosts, nag-uusap-usap, ‘Echosera, okay, eh ganyan-ganyan, tsutsutsu!”

“Kaya minsan, di ba, kinakabahan ka, lalo na kapag may tsumismis na, ‘Naku, sisibakin na ‘yan sa ere, ganyan. Kasi di namin (alam). ‘Sisibakin ba tayo?’ ‘Ano bang rating?’ Aba, eh hindi ko alam! Itanong mo.”

At nalaman nga ng Showtime hosts na nag-single digit nga sila. Sabi ni Vice, “Pero bumalik din kami (sa dating rating) right away, eh. Hindi ko alam. Pero kasi, ‘yung dati naming ratings na 13-14%, parang ‘yung normal ratings.

Tapos, nun’g nagkaroon ng mataas na rating ang Eat Bulaga, it’s not their normal ratings, lumaki.
“Parang ang sinasabi, nagkaroon sila ng bagong market na nakuha.

Hindi nabawasan ‘yung market namin, kasi ‘yun pa rin ang ratings namin. Kaya nu’ng nag-18% kami, sabi nila, ang saya, kasi, ‘na-retain ‘yung dati n’yong market at may nakuha na rin kayong bagong market uli.

Eh usually, ang 18% n’yo, grand finals na ‘yan, eh, hindi ‘yan ‘yung regular day,” sabi pa ni Vice.
Ayon naman sa Kantar Media noong Sep. 15 ay nakamit ng Showtime ang 18.2% na hindi na nalalayo sa Eat Bulaga na nakakuha naman ng 20.6%. Sa madaling salita, nakatulong sa ratings ng programa ang kuwento ni Pastillas Girl.

Naging viral ang post ni Pastillas Girl sa YouTube kung paano gumawa ng pastillas sabay kuwento ng buhay pag-ibig niya, inagaw daw ng bestfriend niya ang kanyang boyfriend.

Pinapunta ng Showtime si Pastillas Girl sa studio hanggang sa gawing segment na ang paghahanap niya ng boyfriend kaya instant celebrity siya agad. At dahil may Pastillas Girl na ang Showtime ay nasabihang gaya-gaya na naman ang programa sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Paliwanag naman ni Vice, “It’s competition. But it’s nothing personal. You have to keep up with what the competition is catering to the audience, di ba?

“Sino bang nanggaya, sino bang ginaya? Paulit-ulit na lang ‘yan. Sino bang original sa mundo? At basta, kahit anon’g sabihin sa ‘yo, for as long as everybody’s talking about you, you remain to be relevant. And in show business, it’s all about being relevant.

“Kasi alam naman nating lahat, di ba? Iniwan ka ng milya-milya, siyempre, kahit sino naman, kahit atleta ka pa, kung nagtatakbuhan kayong dalawa, nakita mo ang layo na ng takbo ng isa, gagawa ka ng paraan kung paano ka maka-catch up.

“And it’s a business. At hindi naman ito nangyari this time lang. Eversince, ganyan ang kalakaran. Ito ba ang kauna-unahang noontime show? Hindi naman, di ba?” paliwanag ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At maski na maraming pumupuna kay Pastillas Girl, iisa lang ang sabi ng komedyante, “Nagpapasalamat pa rin ako sa mga tao because they keep on talking about Pastillas.

Anuman ang sabihin nila, whether good or bad, for as long as everyone is talking about it, it makes it relevant.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending