Matapos makunan...Pokwang pakakasalan ng American BF next year | Bandera

Matapos makunan…Pokwang pakakasalan ng American BF next year

Ervin Santiago - September 19, 2015 - 02:00 AM

pokwang

Kung tutuparin ni Lee O’Brien ang kanyang sinabi sa isang interview, sa 2016 na nga sila magpapakasal ni Pokwang.

Ayon sa American actor, plano na niyang pakasalan ang komedyana sa lalong madaling panahon at bumuo ng sarili nilang pamilya. Ito’y matapos nga nilang aminin ni Pokey na nalaglag ang sana’y first baby nila.

Sa farewell/thanksgiving presscon ng Dreamscape Entertainment para sa Nathaniel, nagsalita rin si Pokwang tungkol sa pagkawala ng kanilang anak. Sey ni Pokey, napakasakit para sa kanila ni Lee ang nangyari, pero they have to move on.

At dito nga niya napatunayan na sa ligaya’t kalungkutan ay hinding-hindi siya iiwan ng kanyang boyfriend, “Lagi niya (Lee) akong sinasabihan na ‘wag kang ano, nandito lang ako, ganyan.

Magkasama tayo, hindi kita iiwan kahit anong mangyari,” chika ni Pokey. Malaki raw ang naitulong ng kanyang Nathaniel family para madali siyang maka-move on mula sa malungkot na bahagi ng kanyang buhay, at naniniwala siya na may rason kung bakit nawala ang kanilang anak ni Lee.

“Sinabi ko na lang sa sarili ko, may mas magandang plan si God para sa amin. May mas matibay, mas ikasasaya naming lahat,” pahayag ng komedyana na umaming malungkot din sa nalalapit na pagwawakas ng Nathaniel next week.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending