Heart sinabing 100% ang suporta ng kanyang pamilya kay Chiz | Bandera

Heart sinabing 100% ang suporta ng kanyang pamilya kay Chiz

- September 17, 2015 - 03:57 PM

heart evangelista
SINABI ng aktres na si Heart Evangelista na 100 porsiyento ang suporta ng kanyang pamilya sa kanyang asawang si Sen. Francis “Chiz” Escudero matapos siyang magdeklara ng kanyang kandidatura bilang bise presidente para sa 2016 elections.

“All is well that ends well. They are very excited and they are very supportive,” sabi ni Evangelista matapos namang ihayag ni Escudero ang kanyang kandidatura sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan.

Bukod kay Heart, kabilang sa mga dumalo sa deklarasyon ni Escudero ay ang nanay ni Heart na si Cecille Ongpauco at mga kapatid na sina Mitch at Camille.

Ayon kay Heart, hindi nakarating ang kanyang tatay na si Reynaldo dahil maysakit ito.

“Tumawag s’ya kay Chiz kanina, kasi recently naospital s’ya kaya hindi makakapunta. Pero he was very supportive at nonood s’ya ng TV ngayon kaya nakakatuwa,” ayon pa kay Heart.

Idinagdag ni Heart na napagkasunduan na nila ni Escudero na siya ang dadalo sa mga aktibidad na hindi niya mapupuntahan kapag nag-umpisa na ang kampanya.

Kinumpirma naman ni Mitch na suportado ng buong pamilya Ongpauco ang kanidatura ni Escudero.

“We’re behind him all the way, 100 percent,” sabi ni Mitch sa hiwalay na panayam.

Sinuportahan din niya ang pahayag ni Heart na suportado ng kanyang tatay ang kandidatura ni Escudero sa pagka bise presidente.

“He’s actually sick right now. He’s at home but he’s watching. He’s behind him all the way,” ayon pa kay Mitch.

Nangako rin si Mitch na mangangampanya ang pamilya Ongpauco para kay Escudero.

“Of course, of course,” ayon pa kay Mitch.

Inilarawan naman na “mapayapa” ng nanay ni Escudero na si Sorsogon Rep. Evelina Escudero ang relasyon ng dalawang pamilya.

“Wala naman silang choice kundi to support the daughter kasi mahal nila ang anak nila just the same na kami mahal namin ang anak namin,” sabi ni Escudero.

Aniya, masaya siya at maayos na ang lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Syempre, everything is peaceful na,” dagdag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending