KAILAN kaya matatapos ang paghihirap ng ating mga kasambahay na namamasukan sa mga pamilya ng Arabo?
Kailan matatapos ang panloloko sa kanila ng mga recruitment agencies, illegal recruiters at mga foreign employers?
Parang walang pakialam ang gobiyerno sa mga hirap na dinaranas ng mga tinatawag nating “bagong bayani.”
Daan-daang overseas contract workers, karamihan sa kanila mga kasambahay, ay nanunuluyan sa mga compounds ng iba’t ibang Philippine embassies sa Middle East.
Ang mga ito ay biktima ng pagmamaltrato ng kanilang mga amo kaya’t sila’y lumayas.
Ilan sa kanila ay matagal na matagal nang naghihintay na maipabalik ng ating gobiyerno sa Pilipinas.
Pangkaraniwan na nating marinig o mabalitaan na ilan sa mga empleyado ng embassy ay binuntis ang mga OFW na nakikisilong sa mga embassy.
May report pa nga na isang labor attaché ang nag-sexually harass ng ilang OFWs sa isang embassy compound, pero walang ginawa ang Department of Labor.
Araw-araw, mga beinte katao ang pumupunta sa tanggapan ng “Isumbong mo kay Tulfo” sa Citystate Center, 709 Shaw Blvd., Pasig City, upang ihingi ng tulong ang kanilang mga kamag-anak sa Middle East na gusto nang umuwi.
Karamihan ng mga OFW na inapi ng kanilang mga amo ay hindi tinutulungan ng gobiyerno kaya’t ang kanilang kamag-anak sa bansa ay dumulog sa Isumbong.
Ang ginagawa namin sa Isumbong ay katukin ang mga pintuan ng mga concerned government agencies—Department of Foreign Affairs, Philippine Overseas Employment Administration (POEA) o Overseas Workers Welfare Admi-nistration (OWWA)—upang maibalik ng Pilipinas ang mga kawawang OFW.
Karamihan ay pinapalad naman ang aking mga staff sa Isumbong, na tinatawag kong “angels” o mga anghel, na maipabalik ang mga problemadong OFW.
Kung hindi kami natutulungan ng DFA, POEA o OWWA, tumatakbo kami kay OFW Family Club party-list Congressman Roy Seneres.
Si Seneres ay dating ambassador ng ilang bansa sa Middle East at marami siyang natulungang mga problemadong OFW na makabalik sa bansa matapos namin siyang lapitan.
Noong dekada ’90, niligtas ni Seneres ang kasambahay na si Sarah Balabagan, na hinatulan ng kamatayan, matapos niyang patayin ang ama ng kanyang amo na nanggahasa sa kanya.
At alam na natin na naging celebrity si Ba-labagan nang bumalik siya sa bansa.
Karamihan ng OFW na gustong makabalik sa Pilipinas ay mga kasambahay ng mga among Saudi.
Hindi mo ubod-maisip ang kalupitan na dinaranas ng mga kasambahay na Pinay sa Saudi Arabia.
Bibigyan ko kayo ng maliwanag na larawan tungkol sa kalupitan ng mga among Saudi sa kanilang mga kasambahay na Pinay.
Isang heneral ng pulis sa Saudi at kanyang maybahay ay hinahagupit araw-araw ang kanilang dalawang kasambahay na Pinay, sinisipa at sinusuntok, sinasabunutan, pinatitindig na nakahubad sa ilalim ng init ng araw, binulag ang isang mata ng isa sa kanila dahil lamang sa maliit na pagkakamali gaya ng pagbasag ng plato.
Habang sila ay sinasaktan, ang dinuduraan sila ng kanilang employers at tinatawag na baboy dahil sila’y mga Kristiyano.
Inihingi ng Isumbong sa OWWA na mapabalik ang dalawang pobreng kasambahay.
Sa aking karanasan sa Isumbong, masasabi ko na sa 10 Saudi employers, isa lang an nagtatrato sa kanyang housemaid na parang tao.
Di ba panahon na iti-gil natin ang pagpapadala ng ating kababaihan na magtrabaho bilang kasambahay sa mga pa-milya ng mga Arabo?
Tinuturing tayo na parang mga hayop ng mga Arabo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.