MANANG,
May problema po ako ngayon. May BF po ako pero sobrang seloso po niya. Kahit sino na lang ay pinagseselosan niya.
Manang, hindi ko po naman siya talaga mahal kasi may iba po akong mahal.
Advice mo naman ako. Salamat po.
Devie Halog, Rosario, La Union
Hello Devie ng La Union!
Ang una kong katanungan, bakit mo siya sinagot at naging BF kung hindi mo naman siya mahal?
Kaya naman pala nagseselos ang BF mo dahil nakakaramdam ito ng insecurity sa inyong rela-syon.
Kumbaga, hindi ito kataka-taka dahil may pinanggagalingan. Devie, if you don’t love your BF, tell him as early as possible. Huwag unfair at paasa.
Tell him as lovingly as you can so you can both be happy. Sabi nga “the truth shall set you free”.
Payo ng tropa:
Devie,
Isang kalokohan ang ginagawa mo sa iyong BF. Napaka-unfair mo. Alam mo ba ang salitang karma?
Naku huwag lang sanang mangyari sa ‘yo ang panlolokong ginagawa mo sa BF mo in the future.
Kaya nga, hanggang maaga ay makipaghiwalay ka na nang maayos sa iyong selosong BF. Huwag mo nang palalimin ang sugat na lilikhain ng iyong panggagago sa kanya.
Tapatin mo siya tungkol sa iyong niloloob at saka ka mag-sorry. Ingat ka sa karma dahil masakit ‘yan pag bumalik na sa iyo.
Ernie via Facebook
Hi Devie,
Dapat ngayon pa lang makipag-break ka na sa BF mo kasi hindi mo naman pala siya mahal at ang mahal mo ay iba. Kaloka!
Unfair naman talaga sa BF mo ‘yang ginagawa mo. Dapat nga na magselos ang dyowa mo sa mga pinapakita mo sa kanya, lalo na hindi niya nga ramdam ang pagmamahal mo sa kanya.
Mag-usap kayong dalawa mas lalo lang siyang masasaktan kapag pinatagal mo pa ang ganyang klaseng relasyon, masyado mo lang siya pinapaasa. Ipagtapat mo sa kanya ang totoong nararamdam mo, masakit man kailangan niya talagang tanggapin.
Masarap talagang magmahal pag tunay ang nararamdam mo sa iyong partner. Sana maging masaya ka na sa iyong mahal ngayon at take note importante ang respect, love and loyalty sa love ha.
Okay!
Ate Jenny
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.