Ellen Adarna bugbog-sarado sa netizens, tinawag na malandi, playgirl at lasengga | Bandera

Ellen Adarna bugbog-sarado sa netizens, tinawag na malandi, playgirl at lasengga

Ervin Santiago - September 16, 2015 - 03:00 AM

ELLEN ADARNA

ELLEN ADARNA

Kung nakakamatay lang ang pamba-bash ng netizens sa social media, siguradong pinaglalamayan na si Ellen Adarna nga-yon.

Puro nega-tibong komento ang nabasa namin sa Facebook at Twitter matapos mabalitang pinagmukhang tanga ni Ellen ang ka-date niya sa nakaraang Star Magic Ball na si Ejay Falcon. Ang chika, nang malasing daw ang sexy actress sa nasabing event ay bigla na lang nitong iniwan ang ka-date niyang si Ejay.

Dumating ang dalawa sa Star Magic Ball 2015 nang sweet na sweet pero ilang oras lang ang lumipas ay bigla na lang nitong dinedma si Ejay at nakitang nakikipaglandian kay Paulo Avelino. Dahil dito, na-bad trip daw ang aktor at nakipag-bonding na lang sa iba pa niyang kasamahan na nasa party.

Bago ito, nag-post pa si Ellen ng mensahe sa kanyang Instagram account at nagpasalamat kay Ejay, “Last night. I pretended i was so glamours and it was fun….because im not glam in real life. Haha. #buhaycowboy Thanks @ejaythefalcon for inviting me. It was amazing. #effort sa pa demure haha thanks.”

Mababasa sa mga komento ng followers ni Ellen na galit na galit ang mga ito sa kanya dahil sa ginawa niya kay Ejay. Isa sa mga nag-comment ay ang Kapamilya actress na si I-sabelle Daza na nagsabing, “And then you ditched him.”

Sey ng ilang netizens, makakarma rin daw ang sexy star, sana raw ay makahanap siya ng katapan na siya naman ang lolokohin at ipagpapalit sa iba. May tumawag din sa kanyang malandi at lasengga.

Pero sa kabila nito, nakiusap pa rin si Ejay na huwag munang husgahan ang leading lady niya sa seryeng Pasion de Amor.

Mensahe ng aktor sa kanyang IG account, “Pls dont judge her. She’s an amazing date. Nagenjoy ako kasama siya. Wala rin namang problema na makipag usap siya sa mga malapit nya rin na kaibigan.

Party naman yun so na-tural lang na maginteract sa ibat ibang tao:) Happy at thankful pa rin ako na pumayag siya maging date ko. I wouldn’t change a thing.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag si Ellen. Baka naman may dahilan siya kung bakit bigla niyang nilayasan si Ejay at nakipaglandian kay Paulo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending