Rhian natuwa sa pwet ni Piolo | Bandera

Rhian natuwa sa pwet ni Piolo

Julie Bonifacio - September 16, 2015 - 03:00 AM

PIOLO PASCUAL AT RHIAN RAMOS

PIOLO PASCUAL AT RHIAN RAMOS

PINAG-USAPAN sa Cinemalaya XI ang soon-to-be-released indie film ng aktor na si Piolo Pascual na “Silong” kung saan makakasama niya for the first ang Kapuso star na si Rhian Ramos.

Ang “Silong” ang closing film sa nakaraang Cinemalaya at ipalalabas sa mainstream cinemas to be released by Star Cinema on Sept. 16.

Tumatak naman sa ilang manonood ang mainit na shower scene ni Piolo sa movie kung saan nakita ang kanyang butt.

“Si Jepoy (Jeffrey Hidalgo, one of the directors of Silong) kasi, you know, when I was doing it sabi niya,

‘Pwede ba Bro, ibaba pa?’ Sabi ko, ‘Bro, medyo mababa na,’ Sabi niya, ‘Hindi! Hindi pa nakikita. Baba mo pa ng konti.’ ‘Bro, mababa na. Ha-hahaha!’ So, hindi ko na nakita. Nakita ko na lang sa pelikula,” kwento ni Piolo kung paano gumawa ng “eksena” ang kanyang butt sa movie.

Nagbiro naman ng isa pang direktor ng “Silong” na si Roy Sevilla Ho, symbolic daw kasi sa pinagdadaanan ng Pilipinas ngayon ang behind ni Papa P. Dahil diyan, lalo namang nag-blush si Piolo at nawaley sa sarili kung ano ang magiging reaksyon sa sinabi ng kanyang direktor.

To the rescue naman ang leading lady ni Piolo na si Rhian, “Uy, tama na. Next question na please. Kawawa naman.”

Pero bago ‘yun, nagbigay na ng reaksyon si Rhian sa nasabing eksena ni Piolo, “Ah, natuwa naman ako, oo. Natuwa naman ako! Ha-hahaha! Napakaganda ng visuals. Kailangan sa istorya ‘yun, e.”

Pero ayon kay Piolo, kapag una raw nakita ang butt niya sa screen sa “Silong,” magugulat daw ang viewers, “Pero noong napanood ko noong pangalawang beses, parang wala naman. He-hehehe!”

Actually, this is not the first time na nakita ang isa sa sensitive parts sa katawan ni Piolo. Nagkaroon na rin siya ng eksena na nakahubad sa “Dekada 70”.

Samantala, tila may hangover pa ang iba sa pagba-bonding ni Piolo at ex-girlfriend niya na si KC Concepcion sa London. Kinulit pa rin kasi si Piolo ng mga tanong tungkol sa pagkikita at pag-uusap nila sa London. Sinabi ng aktor na matagal na silang okey ni KC kaya nu’ng magkasama sila sa London ay wala nang isyu.

Nagkaroon daw sila ng oras na magkausap nang matagal ni KC pero hindi na raw nabanggit ang nangyari sa kanila before.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa mga nag-aabang ng balikan nila ni KC sa totoong buhay at sa mga proyekto, open naman si Piolo but not now. Very premature pa raw ang sitwasyon ng balikan nila ni KC ngayon. And this time, ayaw na raw niya na ma-sensationalized whatever meron sila ni KC. He just wants to keep it for themselves.
Pero siyempre, natuwa si Piolo sa naging happy sa nangyari sa kanila ni KC sa London. Grabe raw ang reaction especially sa social media na nagre-request din na magsama ulit sila ni KC sa isang teleserye o pelikula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending