Solon pinaiimbestigahan ang DSWD kaugnay ng paggamit ng pondo para sa mga biktima ng Yolanda
SINABI ng isang mambabatas na dapat imbestigahan ang
Department of Social
Welfare and Development (DSWD) sa mga anomalya kaugnay ng distribusyon ng pondo para sa Emergency Shelter Assistance (ESA)para sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda.
Iginiit ni Iloilo Rep. Niel Tupas Jr. na hindi ang DSWD ang dapat na magsagawa ng imbestigasyon sa kontrobersiya.
Aniya, dapat ang Kongreso ang siyang mag-imbestiga sa isyu.
Nauna nang sinabi ni DSWD Secretary Corazon Soliman na kinuwestiyon niya sa Liberal
Party ang partisipasyon ni Tupas sa pamamahagi ng ESA sa distrito nito sa Iloilo.
Tinawag naman ni Tupas na iresponsable ang naging pahayag ni Soliman at iginiit na resposibilidad niya bilang mambabatas na i-monitor ang paglalabas ng pondo na inilaan ng Kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.