Coleen aagawin na ang trono nina Anne at Cristine
Ang ganda ng ngiti ni Coleen Garcia nang batiin namin dahil maganda ang feedback at kasalukuyang kumikita ang pelikula nila ni Derek Ramsay na “Ex With Benefits” ng Star Cinema at Viva Films mula sa direksyon ni Gino Santos.
Sa pakikipag-usap namin kay Coleen pagkatapos ng presscon ng Pasion de Amor book 2 ay tinanong namin siya kung ano ang pakiramdam na kumukita ang kanyang pelikula?
“Masarap ang feeling bilang first starring role, ngayon ko lang din naramdaman ‘yung grabe na fulfillment kasi pinaghirapan namin ng todo ‘yung work namin tapos the movie is doing well, so grabe ‘yung sense of fulfillment ko ngayon.
And it’s on second week na and I don’t know kung nakakamagkano na, no idea,” sabi sa amin.
Binanggit namin na super-sexy ang papel niya sa pelikula kaya posibleng sa susunod na project ay ito ulit ang gusto ng moviegoers sa kanya.
“Sana hindi, para at least I could try different things. The thing about this is I want to try different things, I want to keep experimenting, I want challenging, kaysa sa pare-pareho (roles) lang, baka ma-limit ako sa role na ganu’n.
“I wanna be able to try different things, kahit paano nago-grow naman ako,” katwiran ng dalaga.
Banggit namin na masuwerte si Coleen dahil bini-build up siyang sexy actress ng ABS-CBN at Star Cinema, tulad ng ginawa noon kina Anne Curtis at Cristine Reyes.
Kaya pagdating sa tronong sexy, solong-solo na ito ni Coleen sa Star Cinema. Siya na raw ang susunod sa yapak nina Cristine at Anne, “Nakaka-pressure naman ‘yun, if you know Anne, she achieved so much and anybody in my generation (compare) is really so far-far away from her, iba si Anne, eh.
“Ibang-iba si Anne, siguro as an actress, mas maraming sumunod sa kanya, pero as a person, as an artist, ibang-iba siya, parang doon ninyo makikita na isang kagaya niya ang makakapuno ng Araneta (Coliseum) ng dalawang beses.
I don’t think there will be another Anne Curtis,” katwiran ng dalaga. Pagkatapos daw mapanood ni Billy ang pelikula ay hindi na raw nila napag-usapan pa ang daring scenes ng aktres.
“Hindi na, basta ayaw lang niyang ma-limit ako sa isang role, and that’s what I also want for myself. Basta puro lang congratulations, I’m proud of you, puro ganu’n na lang, puro positive,” kuwento ng girlfriend ni Billy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.