Kathniel wagi sa ’1st Bet ng Bandera Awards’; Alden, Kim Celebrity Male & Female of the Year

By Ervin Santiago September 11,2015
share this

Kathniel wagi sa ’1st Bet ng Bandera Awards’; Alden, Kim Celebrity Male & Female of the Year

By Ervin Santiago September 11,2015
share this

daniel padilla
PINARANGALAN na ang “best of the best” sa isinagawang 1st Bet Ng Bandera Awards noong Huwebes ng gabi na ginanap sa Mariott Manila Hotel kasabay ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng Inquirer Bandera.

Sa pamumuno ng entertainment editor ng BANDERA na si Ervin Santiago at ng Executive Editor na si Jimmy Alcantara, apat na natatanging parangal ang iginawad sa mga karapat-dapat na personalidad sa larangan ng showbiz at sports.

Nanalo bilang Best Female Celebrity of the Year si Kim Chiu habang si Alden Richards naman ang itinanghal na Celebrity Male of the Year.

Ang tambalan naman nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng seryeng Pangako Sa ‘Yo ang nagwaging Loveteam of the Year. Hindi nakapunta ang mga nabanggit na winners dahil sa biglang pagbuhos ng ulan at pagbaha sa Metro Manila.

Pero hindi man nakapunta, nag-effort talaga si Alden na makapagbigay ng isang video message kung saan pinasalamatan niya ang buong staff ng BANDERA at ang lahat ng kanyang tagahanga na bumoto sa kanya online.

At para naman sa mundo ng sports, ang itinanghal namang Athlete of the Year ay walang iba kundi ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Nakatanggap ng tropeo mula sa pamunuan ng BANDERA ang lahat ng winners. Ang 1st Bet Ng Bandera Awards ay isinagawa early this year sa pamamagitan ng official website at iba pang social media accounts ng BANDERA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending