ANG tao na sarado ang kalooban, mahirap paliwanagan. Kahit na nauunawaan niya ang isang bagay, hindi pa rin niya ito matatanggap dahil mas pinipili pa niya ang kanyang pansariling kalooban.
Kadalasan, ang mapagmataas na tao ay walang makitang magandang bagay maliban sa kanyang sariling gawa. Nawa’y ma-ging bukas lagi ang ating kaisipan at kalooban sa mga bagay na maaaring magdala ng
Iyan ang pagninilay sa Ebanghelyo (Slm 100:1b-2, 3, 4, 5; Col 1:15-20; Lc 5:33-39) sa ika-22 linggo sa karaniwang panahon. Sa pagsasagawa ng pagninilay sa Ebanghelyo, malinaw na wala nang pag-asa ang mapagmataas na magbago, mas lalong hindi siya magsisisi, hindi hihingi ng paumanhin at patawad sa taumbayan, at isa na riyan ang Ikalawang Aquino (si Mar Roxas din). Marami na tayong binanggit na pagninilay sa Ebanghelyo nina Mateo, Lukas, Juan at Markos, na ang pinatutungkulan ay ang mapagmataas at makasarili. Tsk-tsk-tsk.
Wala akong marubdob na balak na himayin ang problema sa trapiko dahil hindi naman ako natatrapik. Simula 2008 ay nagmotor na ako at iniwan sa Bulacan ang pagmamaneho ng apat at anim na gulong na mga sasakyan. Idol ko sina dating DepEd Sec. Onofre Corpuz (ang unang nanaginip na magkakaga-nito nga ang problema sa trapik), Reynaldo Berroya, Gregorio Honasan, Randy David, Tiny Defensor, Loiue Prieto at Maico Buncio (SLN), Jay Taruc, Congresswoman Plaza, atbp., ang mga Riders on the Storm.
Pero, anim na oras nang natatrapik ang arawang obrero, papasok sa Pasong Tamo ext., Makati at pauwi mula sa trabaho. Walong oras pa siyang magtatrabaho. “Bakit buhay ka pa?” tanong ng taga-Palasyo. Pero, ang tanong na ito ay hindi na magamit ng Malacanang sa mga natrapik noong Martes ng gabi sa Metro Manila. Sa wakas, naubusan na rin ng sagot ang makapangyarihan sa tanong ng walang lakas. Nagkawindang-windang ang trapiko dahil limang taon itong pinabayaan (noynoying daw).
Bagaman hindi kaya ng HPG (Highway Patrol Group) na lutasin ang dambuhalang problema ng trapiko sa EDSA, meron namang magandang balita. Nahinto, pansamantala, ang malaking lagayan sa palengke ng Balintawak sa Quezon City, na ang kumikita ay mga MMDA at tiwaling pulis-La Loma. Dahil sa walang patid ng dating ng gulay at karne, tatlong shift ang koleksyon ng lagay: umaga, hapon at gabi. Nawala ito pansamantala, pero agad na bumalik ang “gabi” dahil walang HPG sa oras na iyan.
Maligaya na naman ang isang grupo ng karnaper sa Cavite. Makakikilos na naman sila dahil ang nakabantay na HPG ay nasa EDSA na. Marami pang HPG na nakatalaga sa kalapit na mga lalawigan sa Metro Manila ang dadalhin sa EDSA. Pabor sa karnaper ang paglilipat ng HPG sa EDSA, lalo pa’t magpapasko at maraming sasakyan ang nasa kalye.
Isang sikat na bogata (bobo, gago at tanga) ang isinusulong ng isang partido, na mahina sa botante ng ABC. Ang nagpapanalo kasi ng pangulo, ikalawang pangulo at senador ay DE, lalo pa’t nang mamatay sina Recto, Diokno, Puyat, Sumulong (Juan), atbp. Ang katuwiran naman nila ay matatag naman daw ang Senado, kahit isang miyembro nila ay isang tanong lang ang naibato sa Corona impeachment. Pero, ma-nanalo ang bogatang ito.
MULA sa bayan (0916-5401958) : Namatay po ang nanay bago makarating ng Jose Reyes dahil sa trapik sa kanto ng Antipolo at Rizal ave., at wala nang galawan sa kanto ng Batangas. Ang masakit, tinaga pa kami sa “unexpected expenses” ng bulok na punerarya sa burol ng nanay, na umabot ng sanlinggo. …0988
Grace Poe? Hindi ma-nanalo yan. …0644
Kami po ay riders sa Santa Mesa, Maynila. Mabuti naman at sinibak ang ilang pulis sa V. Mapa PCP nang kotongan nila ang isang bakla, na sinita sa checkpoint. Pag nakatsinelas ang rider, P100 yan sa checkpoint ng PCP. Pag walang helmet, P200. Pag may P500 sa wallet, tatanungin kung saan galing yan. …7633
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.