MATAGAL na pong natigil ang paghuhulog ko sa SSS. Binata pa po ako nung nahulugan ko ang SSS ko dahil nagtatrabaho po ako sa isang malaking mall bilang janitor. Taong 2010 nang huminto ako sa trabaho at hanggang ngayon ay wala pa ring hulog ang SSS ko dahil hindi regular ang trabaho. Mayroon na rin akong isang anak pero wala akong asawa dahil namatay na siya noong nakaraang taon lamang pero hindi kami kasal. Ano ang dapat kong gawin? Hanggang ngayon ay hindi ko pa kasama ang anak ko sa benipisyaryo ko at pano ko mahuhulugan ang SSS ko?
REPLY: Ito ay tungkol sa inyong katanungan ukol sa muling paghuhulog ng buwanang kontribusyon sa SSS.
Para po sa inyong kaalaman, maaari po ninyong ipagpatuloy ang paghuhulog ng kontribusyon bilang isang voluntary member gamit ng inyong SSS number.
Makapaghuhulog kayo ng inyong kontribusyon gamit ang Contributions Payment Return o SSS Form RS-5 at dapat nin-yong lagyan ng tsek ang kahon para sa voluntary member.
Kapag na-post na ang nasabing hulog, ang inyong membership status ay magiging voluntary member mula sa pagiging covered employee.
Ang halaga ng magiging hulog ninyo sa SSS ay depende sa inyong kakayahan na maghulog. Maaari ninyong gamiting batayan ng magiging hulog sa SSS contribution schedule ay maaari ninyong makita sa www.sss.gov.ph o sa anumang sangay ng SSS.
Maaari kayong maghulog sa pinakamalapit na SSS branch, bayad center o sa anumang accredited na bangko ng SSS.
Hinggil naman sa inyong anak, maaari ninyo siyang maging dependent sa pamamagitan ng pagsusumite ng Member Data Change Request o SSS From E4 na hinihiling na maging dependent o benepisyaryo ang inyong anak. Magtungo lamang sa pinakamalait na SSS branch at dalhin ang kanyang SS ID o kaya dalawang valid IDs, at certified true copy ng birth certificate ng kanyang anak.
Sana ay nabigyan po namin kayo ng linaw sa inyong katanungan.
Salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security
Officer IV
Media Affairs
Department
q q q
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.