UP, UST wagi sa UAAP Season 78 opener | Bandera

UP, UST wagi sa UAAP Season 78 opener

Mike Lee - September 06, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(MOA Arena)
12 nn. La Salle vs NU
4 p.m. FEU vs Ateneo

BINIGYAN ng host University of the Philippines ng magandang panimula ang kampanya sa 78th UAAP men’s basketball nang talunin ang University of the East, 62-55, kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi tumiklop ang Fighting Maroons sa matinding hamon ng Red Warriors sa kabuuan ng labanan upang wakasan ang apat na taon na hindi nananalo sa kanyang unang laro sa liga.

May 11 puntos si Christopher Vito at hindi siya sumablay sa tatlong triples na pinakawalan. Ginawa lahat ito ni Vito ng sunud-sunod upang ang 45-41 kalamangan ay lumobo sa 13 puntos, 56-43.

“Grabe ang tiyaga ng mga bata sa practice kaya masarap ang feelings hindi lang para sa akin kungdi pati sa mga players,” wika ni rookie Maroons coach Rensy Bajar.

Noon pang Season 74 huling nanalo sa unang  laro ang UP at nakuha rin nila ito laban sa UE, 69-61.

Nakikita ni Bajar na makakatulong ang magandang panimula para magkaroon ng kumpiyansa ang mga bata sa mas mabibigat na laban.

Ang baguhang si Edson Batiller ang nanguna sa lahat ng scorers sa kanyang 17 habang may double-double na 10 puntos at ganito ring dami ng rebounds ang beteranong si Chris Javier ngunit hindi sapat ito para mapigilan ang di magandang panimula.

Sinakyan ng University of Santo Tomas ang career games nina Ed Daquioag at Kevin Ferrer para maipagpag ang Adamson University, 70-64, sa ikalawang laro.

Tumapos si Daquioag taglay ang 28 puntos habang si Ferrer ay may 24 para sa dalawang graduating players ng Tigers.

Ang isa pang mamamaalam matapos ang season na si Karim Abdul ay mayroong apat na blocks upang isama sa pitong puntos at pitong rebounds.

Gamit ang 12 puntos sa first quarter ni Ferrer ay hinawakan ng Tigers ang 22-5 bentahe.

Pero hindi bumitaw agad ang Falcons at sa pamamagitan ng 13 puntos sa huling yugto ni Joseph Nalos ay nakapanakot ang Adamson sa 65-63.

Nailusot ni Daquioag ang pabitin na tira bago isang free throw lamang ang naipasok ni Nalos para sa 67-64 kalamangan sa huling 17.6 sa labanan.

Tatlong free throws sa apat na ipinukol ang ibinigay ni Louie Vigil para sa final score.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sila ang mga betereno at sila nga ang nag-lead sa team,” papuri ni UST coach Bong dela Cruz kina Daquioag at Ferrer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending