Jm nagloko na naman, sinayang ang ‘Second Chance’ sa ABS-CBN | Bandera

Jm nagloko na naman, sinayang ang ‘Second Chance’ sa ABS-CBN

Cristy Fermin - September 05, 2015 - 02:00 AM

jm guzman

Kung totoo ang mga kuwentong nagsasangkot ngayon kay JM de Guzman ay talagang nakapanghihinayang ang ikalawang pagkakataong ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN.

Lantaran ang isyung pinagdaanan ng magaling na aktor, kinailangan siyang sumailalim sa rehabilitation para gamutin ang paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot, nang umayos na ang kanyang sitwasyon ay muli siyang binigyan ng proyekto ng kanyang istasyon.

Naging maayos naman ang kanyang trabaho nu’ng una, hanggang sa dumating ang panahong mukhang sumasablay na naman siya sa schedule, hanggang sa nagdesisyon ang produksyon na paigsiin na lang ang proyekto kesa sa mamroblema pa sila sa kanilang bida.

Nakakapanghinayang si JM. Guwapo na siya ay mahusay pa siyang aktor. Hindi madalas na pinagsasabay ang dalawang katangiang ‘yun sa mga artista.

Sana’y pinanindigan na ni JM ang pagbabago, abot-kamay na lang niya kung tutuusin, dahil nakaalpas na siya sa mga dapat niyang pagdusahan.

Iilan lang ang tulad niyang may mukha na ay may talento pa, pero mukhang nasayang na naman ang oportunidad na ipinagkatiwala sa kanya, sayang na sayang si JM de Guzman.

Isipin na lang sana niya ang daan-daang libong kabataang Pinoy na pumipila sa ulanan at arawan kapag may pa-audition ang mga network. Napakaraming may gustong maging tulad niya.

Hawak na niya ang tagumpay na inaasam nang milyun-milyong kabataan, pakaingatan na sana niya, sayang na sayang talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending