Libreng wifi sa buong bansa
May libreng public wifi na sa malaking bahagi ng bansa sa Disyembre.
Ayon kay Department of Science and Technology Usec. Louis Casambre sa kasalukuyan ay nalagyan na ng libreng wifi ang 25 porsyento ng siyudad at munisipalidad.
Sa 43 siyudad na sakop ng proyekto ngayong taon, 23 na ang mayroong libreng wifi kasama na ang Metro Manila, Metro Cebu, Davao, Dagupan at Cagayan de Oro.
Ang Free Wi-Fi Internet Access in Public Places para sa 2016 ay nilaanan naman ng P1.6 bilyon mas mataas sa P1.4 bilyon na nakalaan ngayong taon.
Sa unang plano ang lalagyan ng libreng wifi ay ang mga plaza ng mga bayan subalit nagdesisyon ang DOST na isama na ang mga transport terminal, airport, seaport, school yards, ospital, mga ahensya ng national government, parke at local government unit offices.
Makatutulong umano ito sa ekonomiya batay sa pag-aaral ng World Bank na nagsasabi na sa bawat 10 porsyentong pagtaas sa broadband connectivity tumataas ng 1.38 porsyento ang Gross Domestic Product.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.