Low Profile, Gentle Strength, Spectrum nagpasikat sa Bagatsing Cup Festival | Bandera

Low Profile, Gentle Strength, Spectrum nagpasikat sa Bagatsing Cup Festival

Mike Lee - August 31, 2015 - 01:00 AM

HINDI napahiya ang mga napaborang kabayo sa mga malalaking karerang pinaglabanan sa Mayor Ramon Bagatsing Cup Racing Festival kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Walang naging problema si Low Profile na dinomina ang Challenge of Champions Cup habang kinailangan ni Gentle Strength ang malakas na pagtatapos para tanghaling pinakamahusay sa Mayor Ramon Bagatsing Sr. Division I para sa 3YO Open local.

Na-scratch ang premyadong kabayo na si Hagdang Bato sa 1,750 metrong distansyang karera upang walang nakasabay sa tulin na ipinakita ni Low Profile tungo sa banderang-tapos na panalo.

May tiyempo na 1:50.4 si Low Profile at halos pitong dipa ang layo nito sa rumemateng si Oh Oh Seven sa pagdiskarte ni Jessie Guce.

Sa rekta naman bumulusok si Gentle Strength na dinala ni Jonathan Hernandez para maipagpag ang malakas ding pagdating ng katunggaling si Dikoridik Koridak tungo sa isang ulong lamang sa meta.

May 1:53.6 winning time si Gentle Strength at tulad ni Low Profile ay nagkamit din siya ng P600,000 unang gantimpala mula sa P1 milyong premyo na pinaglabanan.

Nakisalo rin sa mga kuminang sa P1 million race ay si Spectrum na dinala ni Dan Camanero at nangibabaw sa 2015 Philracom 1st Leg Juvenile Fillies/Colts Stakes race.

Sa 1,000m distansya isinagawa ang karera para makapaghatid ng pangalawang P600,000
premyo sa kanyang connections.

Bago ito ay nanalo na si Spectrum sa PCSO Maiden Race noong Hulyo 25.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending