Leyte Sports Academy humataw sa boxing tournament ng Batang Pinoy Visayas leg | Bandera

Leyte Sports Academy humataw sa boxing tournament ng Batang Pinoy Visayas leg

Mike Lee - August 28, 2015 - 01:00 AM

HINDI lamang sa athletics nagpapasikat ang Leyte Sports Academy (LSA) sa idinadaos na 2015 Batang Pinoy Visayas leg.

Maging sa boxing event na ginawa sa Magsaysay Park sa Romblon ay humahataw na rin ang LSA.
Siyam na ginto ang pinag-agawan sa Kids at School Boys (SB) divisions at ang LSA ay kumulekta ng tatlong ginto at isang pilak upang higitan ang nakuha ng Sipalay City at Escalante City na nanalo ng tigalawang ginto sa boxing.

“Ipinakita lang namin paano kami nag-train para rito at nagpasalamat ako sa mga boxers ko dahil nag-perform sila ng maganda,” wika ni coach Nelson Factoranan, na isang national boxer mula 1985 hanggang 1989.

Nagpasikat naman ang mga taekwondo jins ng Iloilo City nang manalo ng pitong ginto sa 22 events sa Poomsae at Kyorugi na ginawa sa Romblon National High School.

Si Cindy Joy Diasnes ang bumandera sa delegasyon nang manalo ng dalawa sa tatlong ginto sa poomsae nang pagharian ang girls’ individual at team poomsae.

May apat pang ginto sa kyorugi ang Iloilo para higitan ang ipinakita ng Capiz na pumangalawa bitbit ang anim na ginto.

Kasama sa mga nanood sa boxing event sina Romblon Mayor Gerard Montojo at Vice Mayor Mariano Mateo.

Ang tampok na laban sa boxing ay sa pagitan ng mga 2015 Palarong Pambansa medalists Milenino Anduyan at Lloyd Jabez Antoque ng Tagbilaran City sa SB pinweight.

Naging mas aktibo ang mga kamao ni Anduyan, na umani ng bronze medal sa Palaro,  para angkinin ang 30-27, 30-27, 29-28 unanimous decision win laban sa back-to-back Palaro gold medalist na si Antoque.

Isang matinding right cross naman ang pinakawalan ni Ramil Pingol para mapatalsik ang mouth piece ni Angelo Abajeto ng Bago City sa ikatlong round tungo sa unanimous decision win  sa SB light paperweight habang kinailangan ni Carl Lester Oledan na magtrabaho sa huling round para makuha ang split decision win kay Carlo Guevarra ng Bago City sa SB paperweight class.

Ang pinsan ni Oledan na si Christian Brando ang naghatid ng pilak sa LSA sa SB mosquito nang matalo kay Greg Pableo Jr. ng Escalante City.

Si Robert Agupasa ang naghatid ng ikalawang ginto para sa Escalante City sa Kids minimumweight habang sina Lorenz John Torela (Kids vacuum) at Charlie Calago (Kids antweight) ang mga kampeon para sa Sipalay.

Sina Relson Inojales (SB light pinweight) ng Tagbilaran City at Justin Victoriano (SB light bantamweight) ng Iloilo ang kumumpleto sa mga nanalo ng ginto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Winalis din ng LSA ang 14 weight divisions sa wrestling ngunit ito ay dahil sila lamang ang sumaling delegasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending