Takot mag-isa sa pagtanda (part 2) | Bandera

Takot mag-isa sa pagtanda (part 2)

Pher Mendoza - August 26, 2015 - 03:00 AM

HELLO Manang,

Miss Capricorn na lang po ang itawag n’yo sa akin. Ako po ay 57- years-old at taga-Midsayap, North Cotabato.

Manang, tanong lang po, kung sakali ako ay magretiro ako sa pagtuturo ay mayroon po bang magtitiyaga na magbantay o mag-alalay sa akin kung sakali?

Kasi po ay hindi po pantay ang pagtrato ko sa aking mga pamangkin. Masyado po akong masungit at may favoritism sa mga pamangkin ko, Manang.

Ano pong adjustment ang gagawin ko para may magmalasakit sa akin at ako ay matulungan kung sakaling ako ay tumanda na dahil doon na ang tungo ko sa edad kong ito. Bigyan n’yo po ako ng payo.

Miss Capricorn

Payo ng tropa mula sa Facebook

Huwag po kayong umasa. Dapat masanay tayong mag-isa. Buti kami rito maswerte, maraming home for the aged dito. Isipin po ninyo na kaya ninyong mag-isa. Positive thinking lang po.
Normita Balane Maducdoc

Kung ang habol mo na kaya mo gustong baguhin ang sarili mo para pag tanda mo may mag aalalay sa yo, hindi tama yon. Dapat sa bawat gagawin mo ay galing sa puso. Bakit hindi mo pag-aralang tanggapin at mahalin ‘yung pamangkin mo na hindi mo pina paboran? Kung gusto mo na mahalin ka at respetuhin ka, kailangan matuto ka rin magmahal nang walang favoritism.

Magdasal ka at humingi ng kapatawaran sa Panginoon. Ask Him na tulungan kang baguhin ka.

Kausapin mo yung pamangkin mo and ask for forgiveness. Ibaba mo ang pride mo, wag magmataas ang iyong puso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sachi Ngo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending